Friday , February 6 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mahigpit na seguridad ipinatupad sa Munti

MAGPAPATUPAD nang mahigpit seguridad sa lungsod ng Muntinlupa bunsod ng sunod-sunod na insidente ng pagdukot, pagnanakaw at pagpatay sa isang guro kamakalawa ng umaga.

Kahapon, iniutos ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi sa hepe ng pulisya na si Sr. Supt. Allan Nobleza ang mahigpit na pagpapatupad ng seguridad kasunod ng naganap mga krimen.

Inatasan niya si Nobleza na magsagawa ang pulisya ng 24-oras monitoring at pagpapatrolya sa siyudad upang hindi na muling maulit ang krimen.

Ang kautusan ng alkalde ay kasunod ng pagdukot sa mga biktimang sima Cherry Ann Rivera, 26; anak niyang si Jan Carlos, 2, ng Express View Village, Brgy, Putatan; sa magkamag-anak na sina Raquel Apolonio, 24, at Robielyn Gresones, dakong 3:30 p.m. noong Hulyo 26 sa Estanislao St., Express View Villas  ng naturang barangay.

Sinasabing dinukot ang mga biktima ng tatlong lalaki lulan ng isang kulay berdeng old model na sasakyan.

Kinuha rin ng mga suspek ang sasakyang pag-aari ni Cherry-Ann, na itim na Toyota Vios (ALA-1169) ganoon rin ang kanilang pera, alahas at cellphone.

Kamakalawa dakong 5:39 a.m., nilooban ang inuupahang apartment ng mag-asawang guro na sina Jesus, 30, at  Keisha Arandia, 25, sa Lakeview Homes, Brgy. Putatan ng lungsod.

Kapwa sinaksak ang mag-asawa at minalas na binawian ng buhay si Jesus.

Sa follow-up operation ng mga tauhan ng Muntinlupa City Police, nasakote ang suspek na si Jeffrey Magnaye, 26, matansero, sa bahay ng kanyang kaanak sa Lemery, Batangas.

Nangyari ang krimen sa iisang barangay kaya’t nanawagan ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa, na maging alerto sa masasamang elemento.

Manny Alcala/Jaja Garcia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About jsy publishing

Check Also

dead gun

Trike driver binoga sa batok tigok ‘pintor’ arestado

ISANG tricycle driver ang bumagsak at agad na namatay nang barilin sa batok ng isang …

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag

Gang leader, 1 pa arestado sa Ops Lansag          

CAMP VICENTE LIM – Naaresto ang dalawang tinukoy na ‘gunrunner’ kabilang ang isang wanted person …

Valenzuela

College scholarship sa Valenzuela bukas na para sa pagtanggap

SINIMULAN ng Valenzuela local government unit (LGU) ang pagtanggap ng mga iskolar para sa Dr. …

Arrest Shabu

Sa Caloocan City
Bebot na ‘tulak’ swak sa buybust ng parak

NALAMBAT ng Caloocan City Police ang isang babae na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal …

Casino Plus Angpao Rain Gala

Casino Plus, the Best Online Casino in the Philippines, Staged the First-of-its-Kind Angpao Rain Gala, Awarding a Record-Setting P180 Million to Recognize 600 Top Filipino Video Content Creators

IN a groundbreaking first, Casino Plus, the best online casino in the Philippines, awarded a …