Tuesday , May 14 2024

Anti-Bullying Act  dapat din ipatupad vs teachers — Solon

 

HINDI lamang mga kapwa estudyante na bully ang dapat sakupin ng batas kontra bullying kundi maging mga guro na namamahiya o nananakit ng kanyang mga mag-aaral, pahayag kahapon ni Senador Sonny Angara. 

Dahil dito, isang panukalang batas ang isinusulong ng senador sa Mataas na Kapulungan na aamyenda sa RA 10627 o Anti-Bullying Act of 2013.

“Nagsisilbing pangalawang magulang ng ating mga anak ang kanilang mga guro. Sa kanila natin ipinagkakatiwala ang kaligtasan at kaayusan ng mga bata. Pero nakalulungkot na may mga teacher tayo na nangunguna pa sa pamamahiya sa ating mga anak. Liban dyan, ipinakikita pa nila sa harap ng klase ang pagpaparusa sa isang batang may nagawang pagkakamali. Hindi natin dapat ipagsawalang-bahala ito. Kaya ngayon, itinutulak natin ang pagpapalawak sa anti-bullying law at kaakibat  nito ang pagpapataw ng parusa sa mga ganitong uri ng guro,” ani Angara, pangunahing may-akda ng Anti-Bullying Act. 

Sa isang pag-aaral, nabatid ni Angara na bagama’t may mga teacher na umaaming nambu-bully ng kanilang mga estudyante, hindi raw ito nabibigyan ng kaukulang aksyon at hindi nareresolba. 

Aniya, sa kabuuang 116 teachers na sumailalim sa isang survey, 45 ang umaming naging bully sa mga estudyante. 

Ani Angara, base sa umiiral na batas ng Department of Education (DepEd Order No. 40, series of 2012), mahaharap sa kasong administratibo ang mga gurong mapatutunayang namahiya, nanigaw o nagparusa sa kanyang mga estudyante sa harap ng klase. 

Cynthia Martin

About hataw tabloid

Check Also

Dead Electricity

SK Chairman sa Negros kumisay sa instalasyon  ng bombilya todas

BINAWIAN ng buhay ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairman matapos makoryente sa Brgy. Bandila, sa …

fire dead

Sa Pangasinan
LOLO NATUPOK SA SARILING  SIGA, PATAY

HINDI sinasadyang masilaban ng apoy ng isang 74-anyos lalaki ang kanyang sarili habang naglilinis ng …

Bulacan Police PNP

6 drug suspects timbog sa Bulacan

NASAKOTE ang anim na indibiduwal na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga sa isinagawang operasyon …

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

584 Bulakenyo nakinabang sa medical-dental mission  ng SM Foundation

HINDI bababa sa 584 Bulakenyo ang nakinabang sa medical at dental mission na pinangunahan ng …

Navotas

Bakuna vs Polio sa Navotas, umabot na sa 101%

NAKAPAGBAKUNA na ang Navotas ng aabot sa 101 porsiyento ng target na populasyon nito para …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *