Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 bebot itinumba ng Panoy gang

112514 deadPATAY ang dalawang babae makaraan harangin at pagtulungan saksakin ng apat miyembro ng Panoy robbery holdup gang habang naglalakad kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Agad binawian ng buhay ang mga biktimang sina Princess dela Cruz, 19, at Maryrose Junio, 18, kapwa residente ng Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod, bunsod ng mga saksak sa katawan at gilit sa leeg.

Habang tinutugis ng mga awtoridad ang mga suspek na kinilalang sina Bimbo Badiola, Arthur Badiola at dalawa pang sina alyas Bibe at alyas Along, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.

Sa imbestigasyon ni PO3 Gomer Mappala, naganap ang insidente dakong 7:30 p.m. sa Phase 2, Package 1, Block 16, Bagong Silang.

Naglalakad ang mga biktima nang harangin sila at pagsasaksakin ng mga suspek na sinasabing may matagal nang galit sa dalawa sa hindi nabatid na dahilan.

Ayon sa mga awtoridad, ang grupo ng mga suspek ay kilala sa naturang lugar dahil sa panghoholdap at iba pang mga krimen kaya’t matagal nang tinutugis ng mga pulis.

Rommel Sales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …