Friday , November 15 2024

Video ng ‘overkill’ sa 10 sa fallen 44 ikinalat sa internet

FRONTKASUNOD nang kumakalat na video ng ilan sa Fallen 44, nagtalo-talo kahapon ang ilang mambabatas kung dapat pang ipalabas ito sa pagdinig kahapon sa Kamara.

Natapos lamang ang pagtatalo nang mapagkasunduan na huwag nang panoorin ang video sabay tanong kay  Supt. Reynaldo Arino, battalion commander ng 55th Special Company, kung totoo bang SAF Commandos ang nasa video na kinompirma naman niya.

Samantala, aminado si BOI chief, Police Director Benjamin Magalong na napanood niya ang kontrobersiyal na video na pagbaril nang dalawang beses sa isang SAF member nang malapitan habang nakahiga at nangingisay na.

Ipinakita rin sa video ang pagkuha ng ilang armadong lalaki sa armas at kagamitan ng mga pinatay na PNP-SAF.

Una rito, nagpadala ng sulat si Mohagher Iqbal, chairman ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) peace panel at Bangsamoro Transition Commission, para ipahayag ang ‘di niya pagdalo sa pagdinig ng kamara.

Sa kanyang isang pahinang liham, sinabi ni Iqbal na hindi muna sila makadadalo sa pagdinig dahil hindi pa natatapos ang proseso ng imbestigasyon ng kanilang MILF Special Investigation Commission (SIC).

Jethro Sinocruz

Fallen 44 video alisin sa social media (Panawagan ng Palasyo)

TANGGALIN sa social media ang kalunos-lunos na video kaugnay sa brutal na pagpatay sa 44 miyembro ng Special Action Force (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Ito ang panawagan ng Palasyo makaraan maging viral sa social media ang video kung  paano brutal na binaril nang malapitan sa  ulo ng rebeldeng Moro ang isang naghihingalong commando ng SAF na lalong nagpaalab sa damdamin ng netizens, publiko gayondin ng mga opisyal ng pulisya.

Sinabi kahapon ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, walang puso ang taong nag-upload ng video sa internet.

“Whoever uploaded the video is a heartless fellow. If you still have some humanity left in your soul, and we ask you to take it down,” ayon kay Lacierda.

Galit sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at awa sa Fallen 44 at sa pamilya ng yumao ang namayani sa netizens.

“You have a right to be angry, you have a right to be outraged by such brutal display of violence.  But at the end of the day you need to seek the truth. You need to find justice for all of those who died, including the SAF hero who was in that video,” sabi ni Lacierda.

Rose Novenario

Espina, Napeñas emosyonal sa house probe

NAGING emosyonal sina Philippine National Police (PNP) Deputy Director General Leonardo Espina at sinibak na Special Action Force (SAF) chief Getulio Napeñas sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng insidente sa Mamasapano.

Sa gitna ng hearing ng Committee on Public Order and Safety at Committee on Peace, Reconciliation and Unity muling naungkat ang isyu ng koordinasyon at kasunduan sa nakasagupang Moro Islamic Liberation Front (MILF), humingi ng ilang sandali ang PNP officer-in-charge na si Espina para magbigay ng pahayag.

Giit ni Espina, “We are all for the peace process because first and foremost, we are peacekeepers, we are your peacekeepers.”

Mangiyak-ngiyak si Espina nang bigyang-diin na ang nais niyang masagot ay kung bakit nagkaroon ng overkill sa kanyang mga tauhan.

Nabanggit din niyang hindi siya nakatulog makaraan malaman ang resulta ng medico legal sa 44 SAF. Ani Espina, may ilang tinamaan lang sa paa ngunit tuluyang pinatay, may binaril sa ulo at may binaril pa nang malapitan.

“Nakita n’yo na SAF ‘yan e. Kahit anong violation pa ‘yan, kahit na po sinabi natin walang coordination, kahit pa sabihin pa ho natin sinong unang nagpaputok, kausap ‘yan e sa usaping pangkatahimikan. Bakit ninyo fininish (finish) ‘yung mga tao ko?”

Iginiit pa ni Espina na legal ang operasyon sa Mamasapano. “Terorista ‘yan e! Kriminal ‘yan e!”

Ayon sa OIC chief, sigaw ng kanilang hanay ang “fairness and justice.”

“Walang ibang magsasalita rito para sa mga tao ko kundi ako. Walang ibang inaasahan itong namatayan nitong 44 kundi po tayong lahat. Bigyan naman natin ng hustisya at magpakatotoo sana tayo rito,” mensahe ni Espina.

Makaraan ang pahayag, tiniyak ng mga kongresista na kaisa sila sa layuning ito ni Espina. Pinalakpakan din siya ng mga dumadalo sa hearing.

Sunod nito, nakitang lumapit ang umiiyak na si Napeñas sa OIC chief saka niyakap siya habang si MILF Coordinating Committee on Cessation of Hostilities Chairperson Rasid ay nakayuko.

Jethro Sinocruz

Pnoy ‘di maoobligang dumalo sa Fallen 44 probe

HINDI pwedeng obligahin ng Kongreso si Pangulong Benigno Aquino III na dumalo sa kanilang pagdinig sa kaugnay sa Fallen 44 dahil ang ehekutibo ay hiwalay na sangay ng pamahalaan.

Sinabi ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, mismong sina Sens. Antonio Trillanes IV at Grace Poe ang nagsabing hindi maaaring pilitin ang Pangulo sa congressional inquiry dahil sa tinatawag na parliamentary courtesy.

Giit niya, hindi kailangang pumunta si Pangulong Aquino sa imbestigasyon ng Kamara at Senado kaugnay sa malagim na pagpatay ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa 44 miyembro ng SAF.

Maaari aniyang ibato ang mga tanong kina dating PNP-SAF chief Getulio Napenias at dating PNP chief Alan Purisima na nakasama sa pulong na ginawa sa Bahay Pangarap, ang official residence ng Pangulo.

Rose Novenario

MILF hindi terorista — Palasyo

HINDI kabilang sa teroristang grupo ang Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ito ang idineklara kahapon ng Palasyo bilang tugon sa ibinunyag ni Sen. Alan Peter Cayetano na konektado pa rin ang MILF sa international terrorist group na Al-Qaeda at Jemaah Islamiyah.

Iginiit din ni Cayetano na hindi magkaiba ang MILF at BIFF na kumanlong kina Zulkipli Binhir alyas Marwan at Abdul Basit Usman.

Depensa ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, base sa pahayag ni Presidential Adviser on the Peace Process Teresita Deles, taon 2003 pa ay tinalikuran na ng MILF ang pagiging terrorist group.

Sinabi ni Lacierda, ang “disavowal” ng MILF na hindi sila terorista ang nagbigay daan sa pagsusulong ng administrasyong Aquino ng peace talks sa grupo.

 Ikinatwiran niya na ang peace talks sa MILF ay may koordinasyon sa intelligence sector.

“Sec. Ging Deles said that since 2003, the peace talks have been premised on a clear disavowal from MILF that it is not engaged in terrorism and that the talks have always been with coordination with the intelligence sector,” ayon kay Lacierda.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

Dwayne Garcia

Dwayne Garcia, excited na sa kanyang debut single na “Taym Perst Muna”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SUPER-EXCITED ang newbie singer/actor na si Dwayne Garcia sa paglabas …

PDEA EDSA busway

Dumaan sa EDSA busway
PDEA vehicle tinekitan

INISYUHAN ng tiket ng Special Action and Intelligence Committee for Tr1ansportation (SAICT) ang driver ng …

Smuggled Sugar asukal

900 sako ng puslit na asukal nasamsam; 3 driver, 1 pahinante tiklo sa Zambo

ARESTADO ang apat katao dahil sa alegasyong pagpupuslit ng sako-sakong asukal sa Brgy. Cawit, sa …

gun ban

Search warrant ikinasa, illegal gun owner timbog

MATAGUMPAY na ipinatupad ng mga awtoridad ang search warrant para sa ilegal na pag-iingat ng …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *