Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Mga maikling-maikling kwento: Biyaheng Impiyerno (Ika-2 labas)

00 kuwentoAgad nilapitan ni Junior Tutok si Estoy na sumakay sa minamanehong taksi. Idiniga naman agad ng taxi driver na pagarahe na siya sa Valenzuela City. Pero mabilisan ni-yang binuksan ang pinto ng taksi sabay sa pagsasabing, “Tamang-tama, Pare… du’n din ang punta ko, e.” At kampante siyang naupo sa tabi nito. “Plus fifty (singkwenta pesos) sa patak ng metro, Pare,” pambobola pa niya sa bibiktimahing driver.

Ipinaalam pa kunwari ni Tutok kay Estoy kung saang lugar sa Valenzuela siya iibis. Walang imik nitong pinatakbo ang ipinanghahanapbuhay na sasakyan. Humahagibis iyon sa kalsada. Idedeklara na sana niya ang panghoholdap pero biglang tumunog ang cellphone ng taxi driver. Naging tahimik lang siyang tagapakinig ng kausap sa kabilang dulo ng telepono. Konting usapan lang iyon na karakang tinapos sa pagpapatay nito ng cellphone.

“Holdap ‘to, Pare, ‘wag kang papalag!” pag-aanunsiyo ni Tutok sa panunutok ng balisong sa leeg ng taxi driver.

Napahalakhak nang malakas si Estoy ga-yong hilam na sa luha ang mga mata. Kung napakinggan lang ni Tutok ang pinagsasabi sa taxi driver ng misis niya ay baka hindi na niya itinuloy ang panghoholdap. Iniwan na kasi siya ng asawa at tuluyan nang sumama sa kalaguyong lalaki. Pati ang tatlong malilit pa nitong anak ay tinangay din sa pag-alis ng lumayong misis.

“Pare, mali ang hinoldap mo… Sa impi-yerno ang biyahe ko, e!”

At biglang kinabig na pakaliwa ng taxi driver ang manibela ng pinahahagibis na sasakyan sa high way. Isinalpok nito ang minamanehong taksi sa kasalubong na 10-wheeler truck.

“Aaaahhhhh!” ang malakas na sigaw ni Tutok sa pinakahuling sandali sa pagtataglay ng buhay! (Wakas)

 

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …