Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

CHED, suportado ang Filipino bílang wika ng komunikasyon

CHEDSinuportahan ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) ang paggamit ng wikang Filipino bilang opisyal na wika ng komunikasyon.

Sa ipinadalang liham na may petsang Enero 5, 2015, ipinaabot ni Tagapangulong Patricia B. Licuanan ng CHED kay Tagapangulong Virgilio S. Almario ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na sinusuportahan nito ang pagpapatupad ng Kautusang Tagapagpaganap Bilang 335, s. 1988 na nag-aatas sa lahat ng kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya, at instrumentality ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksiyon, komunikasyon, at korespondensiya.

Ayon kay Tagapangulong Licuanan, “sinusuportahan namin ang nasabing patakaran kasama ang mga institusyonal na programa at aktibidad na magsasakatuparan nito.

Kasalukuyang nagbibigay ng mga seminar-workshop sa Korespondensiya Opisyal (KO) ang KWF sa mga tanggapan ng pamahalaan. Pakay ng seminar-workshop na makatulong sa epektibong implementasyon ng EO 335 sa buong bansa. Maaaring magpadala ng email ang mga interesadong ahensiya sa [email protected] tumawag sa 736-2525 local 105.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …