Monday , November 18 2024

Aso nabuhay sa lethal injection

101114 dog lazarus  lethal injection

PINANGALANAN bilang si Lazarus ang isang aso nang mabuhay makaraan ang isinagawang lethal injection sa kanya ng isang beterinaryo. (ORANGE QUIRKY NEWS)

PINANGALANAN bilang si Lazarus ang isang aso nang mabuhay makaraan ang isinagawang lethal injection sa kanya ng isang beterinaryo.

Ang mixed-breed pet ay iniwan sa Alabama animal shelter nitong Agosto dahil lilipat na ng tirahan ang kanyang amo at hindi na siya maaalagaan.

Ang aso ay sugatan at duguan makaraan masagasaan ng isang kotse.

Nagdesisyon ang Ozark City Animal Shelter na isalang siya sa lethal injection makaraan mabigong makahanap ng tahanan na kakalinga sa kanya.

Sinabi ni Animal control officer Wanda Snell, nakita niyang humihinga pa ang black and brown pet makaraan turukan ng lason nitong nakaraang taon.

Nang bumalik si Ms. Snell kinabukasan para magtrabaho nakita niyang nakatayo na ang aso sa labas ng kulungan, bagama’t parang matutumba.

Hindi tiyak ng staff kung paano siya nabuhay.

Sinabi ni Ozark police Captain Bobby Blankenship, nangangasiwa sa city shelter, “He was injected with the right amount of medication that should have had him go to sleep.

“Unfortunately, or actually fortunately for everybody else, here he was.”

Si Lazarus, ipinangalan mula sa biblical character na binuhay ni Jesus mula sa pagiging patay, ay kasalukuyang maayos na ang kalagayan.

Makaraan mailagay sa Facebook ang kwento ng kanyang buhay, mayroon nang bagong tahanan si Lazarus sa Alabama city ng Birmingham. (ORANGE QUIRKY NEWS)

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil, mosquito bite, Kagat ng lamok

‘Papak ng lamok’ sa Dengue season pinahina ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Krystall herbal products

OFW tuwang-tuwa sa mga pabaon na produktong Krystall ng FGO

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sister Fely Guy Ong, Ako po ay …

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

DOST 1 Director Champions Gender Sensitivity and Mainstreaming at ISPSC

Dr. Teresita A. Tabaog, Regional Director of the Department of Science and Technology Region 1 …

Hotel Sogo NCIP MOU Signing

Hotel Sogo and NCIP Forge Partnership to Support Indigenous Communities

A Memorandum of Understanding (MOU) was signed between the Hotel Sogo and National Commission on …

NIVEA South Korea

Nivea’s 10 out of 10 care celebration continues, empowering you to embrace your glow

NIVEA, your trusted skin care partner, recently marked a significant milestone in its commitment to …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *