MASAYA si Mike Tan na maging bahagi ng advocacy film na Bigkis na mula sa BG Productions ni Ms. Baby Go. Ayon kay Mike, masaya siyang gumawa ng mga pelikulang tulad nito na may kabuluhan at aral na hatid sa viewers.
“Ang masaya rito, ang mga tulad naming artista, hindi ka lang gawa nang gawa ng pelikula para lang kumita ng pera. At least ito, makakatulong sa mga tao. Kumbaga ay may katuturan, may-aral, iyon ang maganda sa isang pelikula.
“Nakita ko rito ang reya-lidad ng buhay ng mahihirap talaga sa public hospital.
Dito ko po nakita ang sampung babae na nandito, sampung babae doon, tapos ay nasa gitna po iyong nagpapa-anak. Ibig sabihin po, kung sino ang ready, pumunta roon sa gitna.
“Na maghihintay lang iyong manganganak sa tabi, na puwede lang sila sumampa para manganak, kapag lalabas na talaga iyong baby.”
Eye opener ba para sa ating lipunan, sa mga government officals, at mga tao ang ganitong sitwasyon? “Eye opener nga po ba o matagal na nilang alam?” Sagot-tanong ni Mike na may himig ng frustration sa kanyang pahayag.
“Sorry, sorry po,” biglang bawi naman niya. “Pero, talagang kalunos-lunos kasi ang sitwasyon ng iba nating kababayan dahil sa hirap ng buhay, nakakaawa talaga sila,” dagdag pa ng naging Ultimate Male Survivor sa second batch ng reality show na Starstruck.
Ano’ng aral ang mapupulot sa pelikula ninyong Bigkis?
“Alam n’yo po, ang aral na makukuha rito ng mga kabataan natin, dahil nga itong movie ay ipalalabas sa mga eskuwelahan, ay iyong importansiya ng pagbe-breastfeed. Kasi kapag ang baby ay nagsimula sa artificial na gatas, hindi mo na mapapainom ng gatas ng nanay niya iyon. Kasi, iyon na ang nakasana-yan niyang lasa.
“Hindi lahat ng nutrients na nasa na-nay ay nandoon sa gatas na iyon. Kasi artificial iyon e, iba pa rin ang breastfeed, iyong gatas na galing sa na-nay.”
Ang Bigkis ay mula sa direksiyon ni Neal Tan at tampok din dito sina LJ Reyes, Rosanna Roces, Enzo Pineda, Rich Asuncion, Lauren Young, at iba pa.
Dennis Evangelista, proud kay Allen Dizon at sa pelikulang Kamkam
PROUD ang Exe-cutive producer na si Dennis Evangelista sa kara-ngalang nakamit ni Allen Dizon at ng pelikulang Kamkam sa nagdaang 9th Harlem International Film Festival sa New York City.
Itinanghal dito si Allen bilang Best Actor sa pelikulang Magkakabaung (The Coffin Maker) ni Direk Jason Paul Laxamana. Nanalo naman dito ang Kamkam ni Direk Joel Lamangan para sa Best Film. Kaya double victory ito para kay Dennis na executive producer ng dalawang pelikula at mana-ger ni Allen.
“Nanalo kami ng Best Film dito, pero I think it’s the highest award, dahil iyon ang huling tinawag e. Pati kay Allen, super-proud talaga ako.
“Pero ise-share ko sa inyo, ang laking bagay ng dasal. Kasi, ipinagdasal ko talaga iyan mula nang nagpunta ako sa Canada. Tapos the day itself ng award’s night, super-dasal talaga ako. Nagsimba kami doon sa… nakalimutan ko ang pangalan ng church, pero doon daw nagsisimba si Imelda Marcos, na lumalakad nang paluhod.
“Nag-rosary ako nang sangkatutak, sa magkasunod na limang araw, lahat ng mysteries sa rosary ay dinasal ko at sinabihan ko si Allen na magdasal din siya.”
Sinabi rin niya na malaki na talaga ang improvement ng acting ni Allen ngayon, lalo na nang nagkaroon daw ng serious longing para maging actor.
Ayon pa kay Dennis, napakasarap ng pakiramdam niya na maging bahagi ng mga international filmfest na mismong foreigner at mga Pinoy na naka-base roon ay naa-appreciate talaga ang pelikula. “Bonus na iyon, kapag nanalo pa ng award ang pelikula mo.”
Isa si Dennis sa pinaka-prolific na producer ng mga award winning indie films. Ayon sa kanya, binubusisi nila ang bawat project at lahat na aspeto ng pelikula, lalo na ang technical ay inaalagaaan o pinagbubuti talaga nila.
ni Nonie V. Nicasio