Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bistek, peg si Vic na wala nang balak lumagay sa tahimik

091314 Herbert Bautisa vic sotto

ni Pilar Mateo

SA remaining months of the year na October to December, naihabol pa ni Quezon City Mayor Herbert Bautista ang birthday treat sa iba pang members ng entertainment press.

Siyempre, kahit na gusto nitong umiwas na mapag-usapan ang kanyang controversial na love life, sinisikap niyang maitikom ang bibig niya na makapagbigay ng mga komento sa mga tanong sa kanya.

Eh, mapipigilan ba naman ang press na maya’t mayang ipinu-push ang mga tanong ng pangungumusta sa puso niya.

Sa mga hindi na nga niya direktang sinasagot na mga tanong mahihinuha mong nagmagandang loob lang ang butihing Mayor sa pagpaparamdam din naman ng kanyang pagiging gentleman sa isang lady na itinuturing pa rin naman daw niyang mabuting kaibigan kahit pa nga sa hindi na maganda ang nangyayari dahil na rin sa komentong pinakakawalan nito sa kanyang TV show.

Wala ka ngang makikitang bitterness sa butihing Mayor ng Kyusi kapag ang nagdaang pangyayari sa kanila ang sinentrohan ng tsikahan.

Nagpapatunay din naman na matagal-tagal na panahon pa tayong makakarinig ng wedding bells sa parte niya.

May nag-usisa uli. Hindi raw kaya ang peg niya eh, si Bossing Vic Sotto na tila wala ng balak na lumagay pa sa tahimik at ilakad patungo sa altar ang huling babae sa buhay nito?

“’Am happier and comfortable where I am right now. Ang importante nga sa akin ngayon, ang mga anak ko (with Eloisa Matias and Tates Gana). Kung anuman ang dumating sa buhay ko na meant for me, ‘yun ang mangyayari. But for the now, inaabala ko ang sarili ko sa marami pang proyektong kakaharapin natin sa Quezon City in preparation sa 75th anniversary nito. So, mayroon tayong Miss Diamond Jubilee sa September 13. Mahaba-habang celebration ito at ang culmination niya would be on October 12 sa SMART-Araneta. Where the outstanding citizens of the city will be given recognition. Basta kami, tuloy lang ng tuloy sa magagandang mga proyektong nakikitang ginagawa namin sa Lungsod. Lalo na sa ating basura. Ang mga programa, tuloy-tuloy na hanggang end of the year.”

Hindi pa naman daw niya nakakalimutan ang pelikula o ang pagganap sa harap ng camera. In fact, he had a meeting with Boss Vic del Rosario recently.

At tiyak kaabang-abang daw ang lulutuin nilang proyekto na ang kapatid niyang si Harlene ang siyang mag-aasikaso bilang pasok na ito sa pagiging isang producer ng mga pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …