Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Remedyong talyer ‘di na pwede sa MRT — NCFC

090914_FRONT
HINDI sasapat ang ‘remedyong-talyer’ bilang lunas sa araw-araw na sinusuong na problema ng mga mananakay sa MRT ayon sa National Coalition of Filipino Consumers general counsel na si Atty. Oliver San Antonio, dahil sa maya’t mayang pagtigil ng serbisyo at sa dumadalas na pagkasira ng mga tren ng MRT.

“Ang orihinal na disenyo ng MRT ay para sa 350,000 pasahero lamang araw-araw. Ngunit napag-alaman sa pagdinig ng Senado noong nagdaang linggo na lampas sa kalahating bilyong mananakay ang kinakarga nito. Para kang nagsakay ng walong tao sa isang sasakyang idinesenyo para sa lilimang tao,” ayon kay San Antonio.

“Kung ganito ang ipapapasan mo sa sasakyan araw-araw, masisira’t masisira talaga kahit na anong ‘maintenance’ pa ang gagawin mo. Kahit dalhin mo sa talyer ‘yan at ipaayos mo nang paunti-unti, magkakaaberya pa rin ‘yan,” paliwanag ng abogado.

“Labinlimang taon na natin pinapakinabangan ang mga tren ng MRT. Sa puntong ito, dala ng katandaan at sa ganoong klaseng abusong dinaranas nito, mali naman yatang pagdiskitahan ang ‘maintenance’ kung imposible na itong solusyonan ng pareme-remedyo,” dagdag ng abogado.

“Umabot na tayo sa punto na kahit gaano kagaling ang talyer, ‘di na ‘to uubra kasi kailangan nang bumili ng bagong kotse.”

Sa pagdinig ng Kongreso sa panukalang budget ng Department of Transportation and Communication (DOTC) noong nagdaang linggo, inamin ni MRT OIC Honorito Chaneco na araw-araw nang nagkakaaberya sa biyahe ng mga tren nito.

Ibinunyag ni Chaneco na sa 20 tren ng MRT na nagsisilbi sa loob ng ‘peak hours’ ng operasyon, hindi na napapalitan ang mga bagon na nagkakaaberya.

Sa kanilang ulat sa Senado noong isang linggo, inamin ng mga opisyal ng DOTC na sagad na talaga ang kanilang mga kagamitan sa MRT-3 at dumadalas na ang pagkasira ng mga ito.

Ang computer system na nagpapatakbo sa bawat estasyon ay napapakinabangan lamang sa kalahati ng dapat nitong itakbo samantala dumadalas ang pagkasira ng mga ‘escalator’ sa mga estasyon sa ‘average’ na 204 beses kada buwan.

Umaabot naman sa 342 beses naman kada buwan ang ‘average’ na aberyang itinatala ng ‘elevators.’

Ayon kay San Antonio “ang dumaraming problemang iniuulat sa MRT ay patunay lamang sa aming paniniwalang panahon na upang isagawa ang ‘major overhaul’ sa sistema nito.

At kailangan nang gawin ito ngayon, bago pa man mangyari ang isang malaking aksidente at bago pa tuluyang hindi na mapakinabangan ang MRT.”

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Bojie Dy

42 mambabatas mula Southern Luzon, Bicol nagpaabot ng ‘buo at walang pasubaling’ suporta kay Speaker Dy

ni Gerry Baldo NAGPAHAYAG ng panibagong manifetso ang 42 mambabatas mula Southern Luzon at Bicol …