Friday , December 27 2024

Alias Bhong Pineda at Joe Maranan, too many things in common sa 1602

00 rex target logo

Kung astig si alias BHONG PINEDA at ang jueteng empire niya sa Central Luzon, ganoon din ang bookies sa karera ng kabayo ng antigong gambling lord na si JOE MARANAN aka TOTON.

Kung si Pineda ay kontrolado ang marami sa mga probinsya sa Central Luzon, kay Mara-nan naman, ang mga lugar na sakop ng MPD Station 4, 6 at 10.

Pitumpung (70) BOOKIES ang nagkalat sa nasabing mga area na mistulang kasosyo ang mga station commander na nakatalaga sa mga nasabing police precincts.

Isang alyas TATA BER ang anointed one ng city hall ng Maynila para mangolekta ng payola mula kya Maranan.

Ganoon din ang sistema sa iba pang presinto ng Manila Police District (MPD) na kinaroronan naman ng iba pang gambling lords ng siyudad.

Ang kaibahan lamang nina Pineda at Maranan, mas sentralisado ang pasugal ng una at kontrolado ng binansagang KING MAKER na si Tatay Bong pati ang Palasyo ng Malacañang.

Nagpalit-palit na ang President eng Pilipinas pero nananatili pa rin sa tugatog ng tagumpay ang jueteng ni Pineda.

Si Maranan ay nagpreno nang makontra-tiyempo sa panahon ni former Mayor Alfredo Lim.

Ngayon ngang si Erap Estrada na ang maupo bilang alkalde, balik-ligaya na ang pa-bookies ni JOE MARANAN alyas TONTON.

Patunay lamang na inutil ang liderato ni MPD Director, Gen. Roland Asuncio laban sa illegal gambling!?

Katulad din ni Gen. Raul Petra-santa ng PNP Region 3 Director na mukhang bahag ang buntot kay Pineda.

Kunsabagay, sino nga ba sina Petrasanta at Asuncion kompara kay PNP chief, Gen. Alan Purisima na hindi lamang daw sa mga gambling lords lumuluhod kundi sa kanyang mga among politiko.

May isa pa nga palang paboritong sambahin ang mga opisyales ng pulisya at iyan ay ang kinang at kalansing ng kuwarta.

Kesehodang magkaletse-letse ang kanilang career at pagkatao basta busog ang bulsa sa salapi.

Iyan lamang talaga ang problema kung bakit ‘illegal gambling’ is here to stay.

Habang buwaya at sakim sa kuwarta ang mga pulis at politiko ng bansa ay tuloy ang ilegal na negosyo nina Pineda at Maranan.

Habang patay-gutom ang lahat ng mga umuugit ng ating pamayanan ay hindi mawawala ang sugal.

Pera rin ang rason kung bakit parami nang parami ang mga naitatalagang kolektor ng intelihensiya o payola.

Going back kay Pineda at Maranan, ilan lamang sila sa mga bumubuhay sa underground economy ng ating mga politiko at pulis.

Ang ilan pa sa gambling lords ng Maynila ay sina ROMY, GINA GUTTIEREZ, TATA PAKNOY, EDNA at ENTENG, VICEO, MILO SAMSON at BOY ABANG. Sa QC ni Mayor Bistek timbrado ang Lotteng nina LITO MOTOR, VER BICOL, DON RAMON at REY RECTO VK king. Sa Pasig City  naman Lotteng nina CRIS, ROSE at LAARNI na protektado ni BOBBY ng Pasig PNP.

Sa mga kolektong naman na parang tsubibong umiikot para mangolekta ay nariyan sina KAPRE CRUZ, ALLAN LLANADO, TED SAPITULA at si BER KUPAL NAVARRO.

Kaya naman Bundat na bundat sa payola (7, 14, 21, 30 ) sina B.atmAN & R.oBin  tandem ng national media.

Mga punyeta kayo, tablan naman kayo ng hiya.

Makinig sa DWAD 1098 khz am TARGET ON AIR Monday – Friday 2:00 – 3:00 PM. mag email sa [email protected]

Rex Cayanong

About Rex Cayanong

Check Also

Robin Padilla Cannabis Marijuana

Robin iginiit benepisyong medikal na makukuha sa cannabis

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MASIGASIG si Sen. Robin Padilla sa pagsusulong ng medical cannabis dahil naniniwala …

MMFF 2024 Parade of Stars

Parade of Stars nagningning, dinumog at pinagkaguluhan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio STAR studded at matagumpay ang MMFF 2024 Parade of Stars noong Disyembre …

Korina Sanchez-Roxas Rachel Alejandro 

Alamin major heartbreak ni Rachel Alejandro

PANALO na naman ang latest episode ng Korina Interviews this Sunday, December 22, 6:00 p.m., on NET25. Sa …

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *