Thursday , December 25 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-20 labas)

00 ligaya

INIAHON NI DONDON SA PUTIKAN SI LIGAYA HABANG SIYA AY PATULOY NA NABABAON SA PAGTUTULAK NG DROGA

At namuhunan din siya ng pera sa pagkakaloob ng mga pangangailangang personal nito: damit, alahas, cellphone at kung ano-ano pa.

“Nakapag-abroad ka ba?” tanong ni Ligaya.

Umiling siya.

“Tumama ako sa lotto…” pagsisinunga-ling niya.

Nanlaki ang mga mata sa tuwa ng kanyang balik-nobya.

“Ow, talaga?”

Imbes na magsabi ng “oo” ay tumawa nang tumawa na lamang si Dondon.

Hindi na niya pinayagang magtrabaho sa club si Ligaya. Kayang-kaya na niya itong sustentohan. Paldo-paldong pera kasi ang nahahawakan niya sa pagtutulak nila ng droga ni Popeye. Pero inayawan nito ang alok niyang kasal.

“Payag naman akong makipag-live-in sa iyo, a,” sabi ni Ligaya.

“Ang nais ko’y maging aking-akin ka sa habambuhay…” katuwiran naman niya.

“Nasasabi mo ‘yan sa ngayon… Paano kung dumating ang panahong makakita ka ng ibang babaing mamahalin?” ang saloobing isiniwalat sa kanya ni Ligaya. “Higit akong masasaktang kung isang araw matapos nating makasal ay saka mo pa ako iiwan…”

“Hindi-hindi ako magbabago, ‘Gaya…”

“Maraming mga bagay-bagay ang napagbabago ng panahon, ‘Don…”

At nag-live-in na nga lamang ang dalawa.

Humiwalay ng tirahan sina Dondon at Ligaya kay Nikki. Isang malaki-laking apartment ang inokupahan nila malapit sa lugar na inuuwian noon ni Ligaya at ng kaibigan niyang GRO. Doon ay nagsikap silang maging maligaya sa pi-ling ng isa’t isa. At ginampanan ng bawa’t isa sa kanila ang pagiging isang mabuting asawa.

“Wala na akong mahihiling pa…” pagkalambing-lambing na sabi ni Ligaya kay Dondon.

“Basta’t magkasama tayo, pakiwari ko ay nasa langit ako…” aniya sa kayakap na ka-live-in.

Sa paghahangad ni Dondon na makontento sa mga materyal na bagay si Ligaya ay dinoble niya ang pagpapalawak sa mapagbebentahan nila ng droga ni Popeye.

“Dapat kang maging listo at maingat sa mga pakikipagtransaksiyon…” ang halos araw-araw niyang itinatagubilin sa kanyang runner-alalay. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Casino Plus One Million for Every Hero FEAT

Casino Plus Empowers Users to Support Real-Life Heroes with Each Daily Login
One Million for Every Hero

Casino Plus is bringing the Christmas spirit of giving into the digital space with the …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …