Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JM De Guzman, nilinis ang pangalan ni Jessy

081214 JM Jessy

ni Cesar Pambid

DAWIT ang name ni Jessy Mendiola sa Boy Abunda interview ni JM De Guzman kamakailan. Sa interview, sinabi ni JM na nagkahiwalay sila dahil sa drugs.

Ahead of this, noong kasagsagan pa ng career ni JM, both his parents told this writer that their son’s girlfriend is Jessy. That was at time na lihim na lihim pa sa publiko ang relasyon nila. It was revealed to us then na nagbababad ng halos 24 hours si Jessy sa condo unit ni JM na malapit lang sa ABS.

“Hindi na naghihiwalay, laging nakakulong sa kuwarto,” sabi pa ng nanay ni JM.

Ngayon nga it is time for Jessy to react to the interview.

“And now that all is well, huwag na lang nating balikan ‘yun,” sagot ni Jessy sa mga nag-uurirat sa kanya tungkol sa isyu.

“Basta masaya ako na nakabalik na siya kasi matagal na rin naming sinasabi na nakabalik na siya.” Matagal na raw silang walang komunikasyon at tanging doon sa interview ni Boy niya nakita si JM.

Sa interview nagsalita si JM at pinalabas na walang kinalaman si Jessy sa paggamit niya ng droga.

“Sa bisyo ko, sa mga ginawa ko sa sarili ko, wala pong kinalaman si Jessy doon. Decision ko ‘yun, choices ko ‘yun, and naging rason ‘yun kung bakit kami naghiwalay. Isa po ‘yun sa maraming rason.”

Umamin na nga si JM sa pag-aabuso niya sa drugs at noon nga ay idinadawit pa siya, ano na ngayon ang masasabi niya’t malinis na ang kanyang pangalan?

“Walang ganoon pero nasabi na niya ‘yun so okay na ‘yun. Huwag na lang nating balikan. I’m happy for him…And I’m happy na kung anuman ‘yung nangyayari sa kanya ngayon.

“He deserves to be back in showbiz.”

Inamin din ni Jessy na may Columbian BF siya sa kasalukuyan named Sebastian Gasca.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …