Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Misis, kalaguyo arestado habang nagdo-do

080814 adultery

SAN FERNANDO CITY, La Union – Nahaharap sa kasong pakikiapid o adultery ang isang misis at ang kanyang kalaguyo makaraan silang maaktohan ng mister na nagtatalik sa loob mismo ng kanilang silid-tulugan sa lungsod ng San Fernando, La Union.

Ayon sa mister na isang tricycle driver, matagal na niyang minamanmanan ang kanyang asawa dahil sa kumakalat na tsismis sa kanilang lugar na may panibagong kalaguyo ang kanyang misis.

Aniya, minsan na rin niyang nabuking ang kanyang misis sa pakikipagrelasyon sa ibang lalaki ngunit nagkasundo sila kalaunan nang humingi ng paumahin at nagpakita ng pagsisisi ang asawa.

Ngunit sa kanyang pamamasada ay may nakarating sa kanyang balita mula sa kanilang lugar na nagtungo ang pangalawang kalaguyo ni misis sa kanilang bahay.

Nang makompirma na totoo ang kumakalat na tsimis humingi ng saklolo ang mister sa mga kawani ng San Fernando City Police Station.

Sinasabing naaktohan ng mister at ng mga pulis ang dalawa sa loob ng silid-tulugan.

Sa paglalarawan ng mister, nakahubad at nakasuot lamang ng brief ang lalaki, habang ang kanyang misis ay naka-nighties at walang underwear.

Pansamantalang nakalaya ang naturang misis at ang kanyang kalaguyo makaraan maglagak ng piyansa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Vigor Mendoza LTFRB

LTFRB Ch Mendoza pumalag vs 3 insurance management ng IC

MISMONG si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Vigor Mendoza ang humiling sa …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …