ANG master bedroom ang isa sa tatlong mahalagang erya ng bahay sa ilang mga dahilan. Ang mahimbing na pagtulog sa gabi ang nagtatakda ng masaya at matagumpay na buhay, na maaari mong maisulong ang iyong mga hilig at mamuhay ayon sa iyong tunay na layunin. Ang Feng Shui bed room tips na ito ay makatutulong sa iyo para sa madaling pagtulog at pagtulog ng mahimbing upang magising na masigla.
*Piliin ang tamang bedroom colors. Ang light greens, light blues, at fresh tons ay payapa at tahimik. Ang yin colors na ito ay nagsusulong na mahimbing na pagtulog sa gabi. Kung mahalaga rin ang iyong passion, ikonsidera ang red accents, ngunit iwasan ang masyadong yang colors katulad ng red, yellow or orange kung ang layunin ay mahimbing na pagtulog.
*Harangin ang liwanag. Kung naninirahan sa urban o suburban area, gumamit ng mga kurtina o shades upang matakpan ang kwarto sa liwanag mula sa dumaraang mga sasakyan, o streetlights at ilaw ng mga gusali sa paligid.
*Gamitin ang wastong sheets. Ang pure, organic cotton bedding ay mainam sa kalikasan at sa iyo. Ito ay malambot at natur al, at walang ano mang dyes o artificial ingredients na maaaring magdulot ng sakit, allergies at discomfort.
*Ipwesto ang kama sa command position ng kwarto. Dapat na ganito ang posisyon ng kama upang natatanaw ang pintuan ngunit hindi direktang nakalinya sa pintuan. Ang ibang posisyon ay maaaring magdulot ng pakiramdam na pagod sa umaga, at maaaring magdulot din ng karamdaman o sakit ng ulo.
*Isulong ang kalikasan. Mainam ang potted plants o fresh cut flowers sa loob ng bedroom. Ngunit kung walang hilig sa pagtatanim o walang natural light sa kwarto upang mabuhay ang halaman, maaaring maglagay ng rock garden, seashell collection o painting o larawan sa dingding na magpapakita ng maganda at natural na tanawin ng kalikasan. Maaari ring magpatugtog sa iPod ng natural sounds; tunog ng ulan, o paghampas ng alon sa karagatan na mainam pakinggan habang natutulog.
*Huwag sosobrahan ang teknolohiya sa kwarto. Mainam kung hindi maglalagay ng computer, television set at iba pang electronic equipment sa kwarto. Kung walang ibang lugar na mapaglalagyan sa mga ito, o kung nais mong manood ng T.V. habang nakahiga sa kama, patayin ang mga ito bago matulog. Ang mga ito ay naglalabas ng electromagnetic fields na makapipigil sa iyong mahimbing na pagtulog at ayon sa ilang mga pagsasaliksik, ang pagtulog nang malapit sa devices na ito ay maaaring makasama sa iyong kalusugan.
*Gamitin ang power of scents para sa mahimbing na pagtulog. Ang lavender, sandalwood, chamomile, rose, cinnamon, vanilla, bergamot, at honey ay napatunayan nang nagdudulot ng calming effect at magdudulot ng mahimbing na pagtulog.
Lady Choi