Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paboritong Pantasya ng Kalalakihan (Part I)

PANGKARANIWANG kaalaman na ang kalalakihan ay higit na nag-iisip tungkol sa sex kaysa kababaihan.

Habang ang estadistika ay iba-iba at hindi pantay-pantay, ang pinakalaganap na impormasyon ay katotohanang nasa isip ng mga lalaki ang sex bawat pitong minuto. Ayon sa Kinsey Study, 54 porsyento lamang ng mga male respondents ang nagtalang nag-iisip sila ng sex araw-araw at 43 porsyento ang nag-iisip ng sex ilang beses kada isang linggo o buwan.

Gayon pa man, isang pagkakapareho nila, na walang kinalaman sa dalas, ay malaking bahagi ng kabuuang karanasang seksuwal ng kalalakihan ang kanilang mga sexual fantasy. Habang ang mga pantasya ay kasing indibiduwal ng bawat lalaki, napag-alaman din namin ang 10 sa pinakapangkaraniwang pantas-ya mayroon ang kalalakihan.

1. Makipag-sex sa isang celebrity

Karamihan sa mga lalaki ay may kagustuhang makipagtalik sa mga celebrity at ito ang na-ngunguna sa listahan ng kanilang mga pantasya. Kabilang sa mga celebrity na pinakapopular sa ngayon ay sina: Solenn Heussaff, Jennylyn Mercado, Angel Locsin, Bea Alonso, Kim Chiu, Heart Evangelista at Andi Eigenmann. Karamihan ng mga magkarelas-yon ay nagbibigay sa isa’t isa ng ‘free pass’ kung saan ang sino man sa kanila ay nagkaroon ng oportunidad na maka-sex ang number one sa kanilang listahan ay maluwag siyang patatawarin ng kanyang partner.

2. Pagtatalik ng tatlohan

Sa mga nakalipas na siglo a taon, ang tatlohan ay naging ‘in’ at ‘out’ sa uso. Naging pangkaraniwan ang group sex, mga orgy noong sinaunang panahon sa Greece at Roma, subalit mas nagging popular ang sinasabing ‘threesome’ sa nakalipas na daaang dekada , lalo na ngayong ang Millennium Generation ay nagsulong ng same-sex action at oral sex para maging bahagi ng kaugaliang panlipunan. Sa ating kapanahunan, nais ng mga lalaki na makasama ang dalawang babae na sabay niyang maroromansa at makaka-sex. Sa ganitong uri ng pantasya, bibihirang pagnasahan ang dalawang lalaki at isang babae sa iisang kama kung lalaki ang nagpapantasya. (Sundan bukas)

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …