Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 31)

TULOY ANG PAGIGING AHENTE NI LUCKY AT NAPADPAD SIYA SA BABAENG MAPUTI ANG KILI-KILI

Pahiya si ako pero agad din naman nakasundot ng pambawi: “Maganda ang lahi ng aso mo, a … Labrador, ‘no?”

“Ewan ko…” ang tugon sa akin ng bebotski na nagpauwi sa alaga niyang aso.

Patakbong pumasok si “Pogi” sa isang maliit na entreswelo sa silong ng isang lumang bahay. Doon din nagtuloy ang amo nitong seksing bebotski. Napasunod ako roon para mag-alok ng aking paninda.

“Try mo ‘to, Miss… Masarap, masustansiya at pwedeng i-serve nang hot or cold,” boladas ko, hawak sa tig-isang kamay ang powdered milk at instant chocolate.

“’Ala ba ‘yang patikim muna?” bungad ng bebotski sa pintuan.

“Meron…” ang isinagot ko kahit walang tagubilin ang kompanya sa akin na pwede sa kanilang produkto ang taste test.

“Halika, tuloy…” kaway sa akin ng bebotski.

Nakupuuu! Kayputi-puti ng kanyang ki-likili.

Inilapag ko ang aking mga paninda sa pagitan namin ni Seksi sa mahabang sofa na yari sa kahoy. Inilabas ko sa backpack ang naroroong ballpen at kapirasong papel at nagkunwaring mag-iinterbyu muna ako sa kanya. Ibinigay niya naman agad sa akin ang kanyang pangalan, address, edad, at civil status na “single.”

“P-pero may dalawa na akong anak, naro’n sa mga magulang ko sa Angeles City…Isang lalaki, apat na taon at isang babae, magdadalawang taon,” pagtatapat niya.

“’Kala ko ba, single ka ‘kamo…” naibulalas ko.

“Single nga… May tinatawag na single mo-ther, di ba?” nasabi ng bebotski sa paglamlam ng kanyang mga mata.

Ewan kung bakit ibinukas niya sa akin ang isang bahagi ng kanyang buhay: “Sixteen lang ako noong matutong maglandi.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Cyberzone Christmas Tech Gift

Cyberzone Christmas Tech Gift Guide 2025: Top 5 Must-Have Gadgets for the Holidays

The holiday season is here, and if you’re looking for the perfect presents for the …

SM holiday finds FEAT

Get the perfect presents with these holiday finds at SM Supermalls

The holidays are here, and nothing makes the season brighter than finding the perfect gift …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …