Sunday , December 22 2024

Duling ang BIR sa mga ‘biglang yaman’ sa Intercity

KAKATWA kung bakit ngayon lamang sinalakay ng mga awtoridad ang mga bodega ng mga produktong butil sa Bulacan. Sa papogi nina DILG Secretary Mar Roxas at NFA Administrator Arthur Juan, naipasara ang mga bodega ng ilang tiwaling negosyante sa Marilao at Malolos City.

Matagal nang kalakaran sa Bulacan, lalo sa Intercity Industrial Estate na nasa hanggahan ng mga bayan ng Bocaue at Balagtas, na pak-yawin ng mga tiwaling negosyante ang bode-bodegang bigas ng NFA. Lumalahok sila sa mga pa-bidding ng NFA na “per lot” o bulto-bulto na kapag nakopo nila ay ililipat lamang ng mga sako at ibebenta bilang commercial rice lalo sa Metro Manila.

Madaling mahuli ang mga negosyanteng ‘biglang yaman’ tulad ng isang alyas “Teddy” dahil kung bubusisiin lamang ni BIR Chief Kim Jacinto Henares ang mga pag-aari niyang rice mills at mga paupahang bahay na maaaring nakapangalan sa asawa, mga anak at kamag-anak ay tiyak na shoot siya sa balde.

Isa pang bigtime rice hoarder sa Intercity ang isang alyas “Bolok” na kapangalan ng tanyag na gambling lord mula sa Marikina City na si Tony Santos. May akreditasyon siya bilang lehitimong rice trader lalo noong panahon ni dating pangulong Gloria Macapagal Arroyo at kabilang siya sa limang taong gumagamit ng alyas na David Tan.

Kontrolado ng Intercity ang presyo ng bigas dahil maraming nagbibiyahe ng palay mula sa Northern Luzon ang doon nagbebenta ng produktong butil. Walang buwis na pumapasok sa gobyerno dahil ang transaksiyon ay nagaganap sa tabi-tabi lamang ng MacArthur Highway. Halimbawa, kapag nakabili ng 500 kaban ng palay si Teddy at nagiling ito sa kanyang rice mill, maibabagsak niya ito bilang mamahaling commercial rice at maibebenta sa mga palengke nang walang buwis kahit singkong duling. Suntok sa buwan kung idedeklara niya sa BIR ang transaksiyong ito.

Mas wastong ipasalakay lahat nina Roxas at Juan ang mga rice mill at bodega ng mga magbibigas hindi lamang sa buong Intercity kundi sa buong Bulacan. Maraming magbibigas sa Bulacan ang konektado sa Binondo Rice Cartel tulad ng negosyanteng sina alyas Teddy at alyas Bolok kaya dapat busisiin maging ang kanilang mga tagong yaman. Tiyak na may magbibigay ng mga impormasyon sa BIR lalo kung lalakihan ang reward o pabuya sa mga tipster.

O ‘di ba?

Ariel Dim Borlongan

About Ariel Dim Borlongan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *