Saturday , November 23 2024

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 21)

KUNG GAANO KABILIS ANG PAGKAKAKILALA GANOON DIN KABILIS NAWALA SI NICOLE

“Buti na lang at nasundan agad natin ito,” ang sabi sa kasama ng lalaking sumunggab sa braso ni Nicole. “Kundi natin natagpuan ito, sibak tayo sa trabaho.”

“Pasaway talaga … saglit na saglit lang ta-yong nalingat, e, bigla na lang nakapuslit sa atin,” ang narinig kong tugon ng kasama ng lalaking nagtulak sa akin.

Halos bitbitin si Nicole ng dalawang lala-king nagsakay sa kanya sa BMW sportscar na nakaparada sa ‘di-kalayuan. Nasulyapan ko ang paglingon at pagngiti niya sa akin kasunod ang pagmumuwestra niya ng pagtawag sa cellphone. Tinanguan ko siya. At napakaway ako sa biglaang pag-arangkada ng kotseng sinasakyan niya. Napapagitnaan siya ng lalaking nasa manibela at ng lalaking nakakanan niya at nasa tabi ng pintuan ng sasakyan.

“De-bodyguard pa ‘ata ang princess of your dream… Muk’ang bigtime!” bulong sa akin ni Biboy na nasa gawing likuran ko.

Bigla akong tinakasan ng sigla at saya nang maglaho na sa paningin ko si Nicole.

Mula sa Makati Square Garden ay lumanding kaming magkakabarkada sa isang sikat na coffee shop sa bisinidad din ng lungsod.

“Mala-diyosa sa kagandahan,” naibulalas ni Biboy patungkol kay Super Sexy Nicole matapos niyang makalagok ng kape.

“Kaypula ng kanyang lips… Kissable!” na-sabi ni Arvee sa pagkakagat-labi.

“Pakabol!” ang komento ni Mykel na kahit ‘di-wasto ang pagkabigkas ay naintindihan pa rin namin nang malinaw nina Biboy at Arvee.

“Am’baho talaga ng bunganga mo,” singhal ni Biboy kay Mykel. “Magmumog ka kaya ng kumukulong kape.”

Sa gunita ay patuloy kong binuhay ang larawan ni Nicole. Napasinghap ako sa hangin na parang bitin ang paghinga.

“N-nananaginip ba ako?” tanong ko kina Biboy, katabi ko sa upuan ng mesa na malapit sa entrance ng coffee shop. “Hindi ko sukat akalain na gayong ka-sexy at ka-beauty ang babaing naka-type sa kagwapohan ko.”

Si Arvee ang sumabat: “Baka napagtripan ka ng Nicole na ‘yun na i-goodtime, a!”   (Itutuloy)

ni Rey Atalia

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

Krystall herbal products

Produktong Krystall katuwang ng pamilya ng delivery rider sa pag-aalaga ng kalusugan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Ako po si …

DOST NSTW Cagayan de Oro City

DOST brings nat’l science, technology, and innovation week in Cagayan de Oro City

The Department of Science and Technology is set to hold the 2024 National Science, Technology, …

DOST-PCCI innovation hub to boost enterprises’ growth

In a landmark collaboration aimed at bolstering the nation’s innovation and economic growth, the Department …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *