ni Nene Riego
IKINATUWA ni Divine Diva Zsa Zsa Padilla na marami ang sang-ayon sa pakikipagrelasyon niya kay Conrad Onglao at sa mga tila walang tigil sa pagbatikos sa kanya’y ito ang mataray niyang sabi, ”’Di ko kailangang magtanggol sa sarili ko sa mga gusto kong gawin. Karapatan ko ang pumili ng bagong mamahalin. Kundi ako nahihiyang amining kami na ni Conrad, kasi’y proud ako na tulad niya ang natagpuan ko. He is the one. I feel blessed na siya ang nagpapaligaya sa ’kin ngayon.”
Sa punang sobra ang PDA (pubic display of affection) niya sa social media, natawa lang siya.”Ganoon talaga ang ugali ko… kung may dapat i-post na masasayang sandali o pictures na palagay ko’y maganda, no one can stop me. Prerogative ko ‘yon.”
‘Di rin totoo na iniwan siya at nagsarili na ang dalawang dalaga niyang sina Nicole Beatrice at Zia Marie. Tulad ng kanilang Ate Karylle, ‘di sila nakikialam sa desisyon ng ina. Hangad daw ng Tres Marias ni Zsa ang kanyang kaligayahan.
O, may aangal pa ba? Sabi nga, ang pahayag ay, direct from the horse’s mouth.