Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Suplada image ni Marian, binura ng EB!

ni Letty G. Celi

ATTEND kami the other night ng Yahoo Celebrity Awards night sa Amber, Makati City. Grab! Daming dumalo, showbiz, non-showbiz, entertainment writers sa iba’t ibang tabloid, network, etc..

Second time na naming dumalo sa Yahoo events at sa rami ng dumalo ay sumikip ang Amber. Anyway, very successful ang kanilang launching & presscon ng celebrity awards. Well entertained ng mga taga-perception ang lahat ng mga bisita nila at matutuwa ha. Parang mga showbiz din ang mga staff, magaganda, artistahin ang mga tipo. Hindi ko na matandaan ang mga pangalan nila.

Ang saya ng event kahit na ang init, masaya pa Rin ang mga tao gaya ng inaasahan. Nakita ko si Christian Bautista na naka-ilang baso na ng juice na tagaktak ang pawis. Si Rocco Nacino, tiis sa suot na suit, ang ganda-ganda ni Kaye Abad, ang babaeng “taga-ilog” ngABS-CBN. Ang super gandang si Marian Rivera na isa sa mga nominee ng mga show niya sa GMA7. Maganda ang exposure ni Yanyan sa Eat Bulaga sa All for Juan, Juan All na kung saan-saan siya dinadala with Jose Manalo, Paolo Ballesteros, at Wally Bayola, swak ‘yung Puhunan ni Marian at ‘yung give away niyang relo.

Take note na-erase ‘yung pagka-suplada ng magandang actress kasi Espanyola kaya tipong snob pero sa totoo lang isa sa mga nakausap kong actress na super bait si Yanyan.

Isa rin sa mga nominated si Jennylyn Mercado as Female Kontrabida of the year para sa role niya sa Rhodora X at Loveteam of the year sila ni Mark Herras. Makakalaban ni Jennylyn as kontrabida awardee sina Kaye Abad, Andi Eigenman, Jacky Rice, at Maja Salvador.

Samantalang sa Loveteam of the year, nominated sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo;Sharlene San Pedro at Nash Aguas; Tom Rodriguez at Dennis Trillo kabilang sina Vice Ganda at Karylle (Vicerylle)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …