APEKTADO talaga ang mga choma-a-a sa panonood ng TV series na Maria Mercedes sa ABS-CBN. Natuwa sila nang mawala sa eksena si Vivian Velez, wala na raw mang-aapi kay Jessy Mendiola bagamat hinahanap pa rin niya ang katarungan sa kanyang kapatid.
Ngunit hindi nila expected na hindi lang siya ang magpapasakit sa kanilang ulo, sina Nikki Gil atTechie Agbayani naman ang sumunod. Grabe ang pagkainis nila sa mag-ina, kaya naman walang kaalam-alam sina Nikki at Tetchie na kung ano-anong mga masasamang-salita ang nakakulapol sa kanila from the home viewers lalo na ang mga madir at chima-a-a (chimays) ay talagang nagmumura.
Magsisimula pa nga lang sina Nikki at Tetchie sa kanilang balak this week kay Mercedez na ngayong CEO na ng San Carmelo na ipinamana sa kanya ni Ariel Rivera. Ang ganda ng role na ginampanan ni Ariel at ang love story nila ni Mercedes. Kawawang Nikki at Tetchie dahil lahat ng bad words ay matitikman niyo sa home viewers at fans ng Maria Mercedes at ‘di lang ‘yun dahil pati pintas ay mararanasan niyo.
Malaki raw ang butas ng ilong ni Nikki, ano ba ‘yan! Eh, wala tayong magagawa dahil apektado sila ng gagawin ninyo. Hanggang ngayon naman may mga taong nanonood ng mga pelikula at TV shows na nadadala ng kanilang emosyon na nadadala nila sa tunay na buhay na akala mo naman sa kanila ginagawa.
MET, dapat nang ipagawa ni Mayor Estrada
SANA ay mapansin na ni Manila mayor Joseph Estrada ang Metropolitan Theater sa may Plaza Lawton na kaharap ng Manila Post Office. Kung hindi nila ito mapag-uukulan na maipagawa lalong masasayang ang lugar.
Iba-iba na ang mga naging mayor sa Maynila pero isa man ay hindi nagbigay-pansin na maipa-ayos ang Metropolitan Theater. Mahabang proseso ang pagpapagawa niyon kaya dapat sinimulan na ito ni Mayor Joseph. Ang ganda ng teatrong iyon!
Noon, naging isa sa mga top exclusive ang pamosong si BB. Conchita Sunico at kung hindi ako nagkakamali, rito rin sa teatrong ito nagsimula ang pagiging chorus boy-girl ni Boy Abunda, ang sikat na TV host ng Buzz ng Bayan, na tuwing Sunday at Bottomline, tuwing Saturday.
Lab you Mayor Erap!
Pakikiramay kay Ai Ai
THE show must go on para kay Ai Ai delas Alas! Tuloy ang takbo ng showbiz.
Nakikiramay kami sa pagyao ng iyong mahal na ina na si Ginang Gloria Hernandez. Eternal Rest grant into her soul. May she rest in peace now and forever! Amen.
Letty G. Celi