Saturday , November 23 2024

Fearful forecast sa MMFF 2013

FORGET about what the stars and other promo people are saying about their film entries. But watch and work on what they have to offer by force or sheer common sense.

Sa “main competition” ng 39th Metro Manila Film Festival (2013), ang nangungunang apat ayon sa pulso ng magandang manonood (laban sa “palso” ng masamang masa) ay ang sumusunod: 1. “My Little Bossings’ ni Marlon Rivera; 2. “Girl, Boy, Bakla, Tomboy” ni Wenn Deramas; 3. “Pagpag” (Siyam na Buhay) ni Frasco Mortiz;  4. at “Boy Golden: Shoot to Kill” ni Chito Roño.

Dark horse ang apat pang sumusunod: 1. “Kimmy Dora: Ang Kiyemeng Prequel” ni Chris Martinez; 2. “10,000 Hours” ni Joyce Bernal; 3. “Kaleidoscope World” ni Someone Something; 4. at “Pedro Calungsod, Batang Martir” ni Francis Villacorta.

Promising ang “My Little Bossings” dahil sa director nitong si Marlon Rivera, the brains behind last year’s hit “Ang Babae sa Septic Tank.” Tingnan natin kung paano niya mapaaarte ang two of the worst performer in the industry—Vic Sotto and Kris Aquino.

This early, marami ang nagsasabi na tamang-tamang Christmas offering ni Bimby Yap dahil hamonadong-hamonado ang acting nito. Ito ay ayon sa mga nakapanood ng trailer ng nasabing pelikula.

Manang-mana raw si James, Jr., sa ina when it comes to acting—like mother, like son. Pero gustong-gusto naman ng marami ang hamon, kaya malay natin at bumenta nga nang husto ang pelikula ng mga hamon sa takilya. Marlon must be puinishing himself with this one.

Speaking of Ryzza Mae Dizon, the Aiza Seguerra of this generation is equally ugly and precocious. At ‘yun ang gusto ng marami. Mas marami ang mga pangit sa Pinas, di ba?

Ang “Boy Golden” ni Chito Roño ay maaa-ring maging “surprise hit” of the season. Pagkatapos nga naman ng dalawang kulelat sa magkasunod na MMFF (2011 at 2012), panahon na upang magkaroon naman ng hit entry si Gov. ER “Jeorge Estregan” Ejercito.

Last year, isa sa mga kulelat ang “Shake, Rattle & Roll” (“The Something Invasion” or something else) ni Chito Roño; but this year he promi-ses to take a vengeance at the festival and the  box-office.

Ang “Pagpag” ni Mortiz ay para sa teen fans and others nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Pero pwede rin silang sumemplang lalo na kung palpak ang pelikula ng anak ni Edgar Mortiz na pang-TV lang ang orientation.

The rest of the entries are tried and se-cond-rate copycats, sabi pa nga sa pelikula ni Shawie noon na “Walang ningning.”

Sa New Wave portion naman, tiyak nang panalo ang “Mga Anino ng Kahapon” ni Alvin Yapan at pwede nilang mahakot ang halos lahat ng acting at technical awards. Siyempre, kasama na ang Best Picture, Best Director at Best Screenplay.

Special Jury Prize na naman si Armando “Bing” Lao para sa kanyang pangatlong pelikula, ang “Dukit.” Like last year’s “Ad Ignorantiam,” may cash prize na naman si Bing para pandagdag sa susunod niyang project.

The rest of the three entries are all garbage and there’s nothing new about their wave. No wave at ancient wave pa siguro.

Nakapapagod at parusa ang panonood sa “Ang Maestra” ni Joven Tan,” “Island Dreams” nina Aloy Adlawan at Gino Santos.

Ang formula film ni Toto Natividad, ang “Saka Saka” ay maaaring tangkilikin ng mga unthinking action movie buffs, pero, diyos ko naman Toto, mag-move on ka na!

But kudos to Ejay Falcon for a confident and subtle performance.

May potential ang grand champion ng PBB ng Bahay ni Kuya at biglang nagkaroon ng goldmine ang parloristang si Benjie Alipio ng Sampaloc, Maynila.

Go na sa pesteng festival ni Francis Tolentino at Digna Santiago.

***

Sabi nga, sa gitna ng pagdadalamhati ng ating mga kababayan sa maraming parte ng Silangang Samar, Tacloban, Leyte, Bohol, Cebu, at iba pang sinalanta ng lindol at nitong Yolanda, patuloy pa rin ang buhay at ilang tulog na lang, ipagdiriwang nating mga Pinoy ang tradisyon nang Pasko—ang paggunita sa pagsilang ni Hesus Manunubos sa isang sabsaban sa Bethlemen.

Salamat sa mga nakaalala: kay katotong Jethro Sinocruz, kay Mother Ricky Reyes, kay Cristinelli S. Fermin, kay Jojie Dingcong, kay Mano Boy Abunda, kina Gov. ER “Jeorge Estregan” Ejercito, kay katotong Jobert Sucaldito, kay Sir Jerry S. Yap at HATAW Dyaryo ng Bayan Fami-ly, sa MHS Nineteen Seventy (USA).

Art T. Tapalla

About hataw tabloid

Check Also

Enrique Gil

Bagong serye ni Enrique sa Europe kukunan

MA at PAni Rommel Placente MAGIGING masaya ang mga faney ni Enrique Gil dahil sa wakas ay …

GMA 2024 Christmas Station ID

Paskong Pinoy ipinadama ng mga mamamahayag ng GMA

RATED Rni Rommel Gonzales TIME-OUT muna sa paghahatid-balita ang mga batikang mamamahayag ng GMA dahil kasama silang …

Kathryn Bernardo Alden Richards Maine Mendoza KathDen Aldub

Al-Dub nag-ingay ayaw patalo sa KathDen

I-FLEXni Jun Nardo NIYANIG na naman ng Al-Dub (Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) ang X (dating Twitter) nang nagkagulo …

JC De Vera Lana Laura

JC hands on tatay sa mga anak — kasama na future ng pamilya ko

I-FLEXni Jun Nardo BINAGO ang pananaw sa buhay ni JC De Vera mula nang magkapamilya at magkaroon …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Dating sexy male star napeke ni aktres

ni Ed de Leon GUSTO nang hiwalayan ng isang dating sexy male star ang kanyang asawa. Una, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *