Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GTB nina Daniel at Kathryn, click sa viewers dahil may social relevance

OBVIOUS naman may  mutual understanding na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Kitang-kita sa mga nakakikilig nilang eksena together sa seryeng Got To Believe ni Direk Cathy-Garcia Molina. Hataw sa taas ng rating, tunay namang nakaaaliw panoorin ang soap. Kakaiba sa mga teleserye ng Dos na paulit-ulit na lang ang takbo ng istorya.

Ang GTB ay hindi pilit ang mga eksena, may social relevance kaya click sa manonood. Makabago ang approach ni Direk Cathy, mala-pelikula ang dating nito sa viewing public.

Bumagay sa mga artistang nagsisiganap ang bawat character na kanilang ginagampanan. Perfect for the role as husband and wife sina Ian Veneracion atCarmina Villaroel, ganoon din sina Benjie Paras at Manilyn Reynes. Acting wise, magagaling silang lahat.

Enjoy sina Daniel at Kathryn tuwing taping. Every other day ba naman silang magkasama together. Hindi nga raw nakararamdam ng pagod ang dalawa kahit madaling araw na napa-pack-up.

Lalo na raw kapag may eksena sina Daniel at Kathryn, feel na feel nila ang bawat linya ng dialogue. With emotion nila itong gingawa kaya super happy si Direk Cathy sa kanyang mga artista dahil hindi siya hirap idirehe ang mga ito. Nagagawa naman kasi nila ito ng tama na siyang gustong mangyari ni Direk sa bawat eksenang kukunan. Much more pa nga raw ang ibinibigay nina Daniel at Kathryn kaya’t saludo ang award-winning director sa galing umarte ng mga ito.

‘Yung pagiging magaling, marespeto at pagiging gentleman ang mga katangiang nagustuhan ni Kathryn kay Daniel. Kahit inamin na ng binata may mutual understanding na sila ng dalaga. Patuloy pa rin ang panunuyo nito sa mga magulang ng young actress. Kahit walang okasyon biglang may flowers, chocolate etc. for Kathryn. Surprise gift ni Daniel sa kanyang one and only love. Hindi kataka-taka kung ma-inlove nang todo-todo ang dalaga.

Ang maganda  nga sa relasyon Daniel at Kathryn, walang kontrabida sa kanilang pag-iibigan. Aprubado ang kani-kanilang magulang, huwag lang lalagpas sa boundary. Nangako naman ang dalawa magiging matatag ang kanilang relasyon. Focus muna sa trabaho, secondary na lang ang kanilang personal life. Marami pa raw silang mga pangarap na gustong matupad. Ang importante, may inspirasyon sila sa bawat bagay na ginagawa nila sa buhay at para sa kanilang pamilya.

Eddie Littlefield

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …