Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Punla sa Mabatong Lupa (Part 22)

NAGULAT SINA EMAN AT DIGOY NANG SILA’Y GAPUSIN NG GRUPO NI KIRAT

“Kuya, isinama ni Tata Kanor. Nagpunta sila kay Apo Hakham,” ang sagot ng isang dalagita.

“Bakit daw?” usisa naman ni Digoy.

“Ewan ke Tata Kanor…” iling ng dalagita.

“Baka me ipagagawa sa mansion,” hula ng isang binatilyo.

Dakong hapon, nag-iisa lang si Tata Kanor nang magbalik sa plantasyon. Ang diga nito sa mga kasamahang naghahanap kay Onyok, utos daw ni Apo Hakham na magpaiwan sa mansion ang binatilyo. Pero hanggang kinabukasan nang buong maghapon ay ‘di pa rin nakauwi ang binatilyo. Sa ikatlong araw ay nabahala na si Eman.

“Ano’ng balita ke Onyok?” naitanong niya kay Digoy.

“Wala pa nga, e…”  anitong nasa anyo na rin ang pagkabalisa.

Katanghaliang-tapat. Katindihan ng sikat ng araw. Nagliparan ang alikabok sa tigang na lupa na nagiging putik sa panahon ng tag-ulan. Sumanib ang makapal na alikabok sa itim na usok ng tambutso ng army type jeep na sinasakyan ng pangkat ni Kirat. Paghinto ng sasakyan ay mabilis na naglundagan pababa ang mga tauhan nito. May nag-umang agad ng mga baril kina Eman at Digoy. May nangulata. At may dali-daling naglabas ng dalang lubid.

Nasorpresa ang lahat sa biglaang pagsulpot ng mga goons ni Apo Hakham. Nagkatinginan na lang sina Eman at Digoy nang walang sabi-sabing iginapos nang pasalikod ang kanilang mga kamay ng dalawa sa mga tauhan ni Kirat. Pagkara’y pasalyang pinasakay ang magkaibi-gan sa hulihang bahagi ng behikulo, napapagitnaan ng  limang  armadong kalalakihan na pawang nanlilimahid at mahahaba ang buhok.

Pag-upung-pag-upo ni Kirat sa unahang upuan ng dyip ay agaran namang pinatakbong paharurot ng driver niyon. Minsan pang uma-limbukay ang alikabok na sumanib sa maitim na usok na ibinubuga ng tambutso ng karagkarag na behikulo. Naiwan doon ang mga manggagawa ng plantasyon na nagmistulang mga pipi sa pagkakatunganga habang hatid ng tanaw ang magkaibigang Eman at Digoy.

Pabitbit na dinala sina Eman at Digoy ng pangkat ni Kirat sa garahe ng mansion ni Apo Hakham. Plakda silang bumagsak sa sementadong sahig ng garahe matapos dumapo sa kanilang sikmura, likod at tagiliran ang malalakas na tadyak mula sa ilang pares ng mga paang nakasapatos ng de-goma.

Nangudngod ang mukha ni Eman sa semento. Nabasa ng bahid ng sariwa pang dugo ang kanyang pisngi. Napasulyap siya kay Digoy. Hindi sa kaibigan niya galing ang dugo.

(Itutuloy)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …