Wednesday , December 17 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Klaudia, inirereklamo raw ng pagnanakaw?

NAGDATINGAN ngayon ang mga artista na galing sa Amerika. Nasa bansa ang original na ‘Arlene’ ng seryeng Annaliza na si Leni Santos, si Klaudia Koronel, at si Patricia Javier.

Dumating si Leni dahil namatay ang kanyang ina. Magbabakasyon muna siya rito sa ‘Pinas at months ang stay niya bago bumalik sa Amerika. Ready na siya sa mga guesting at taping. Tinanong kasi namin siya kung sakaling i-guest siya sa Annaliza at bigyan ng role, papayag ba siya? Aniya, okey lang daw sa kanya.

Parang magandang idea na ang original na ‘Arlene’ at sumikat noong panahon niya ay muling mapapanood sa Annaliza. Ano sa palagay mo Direk Ruel Bayani?

Nakatsikahan naman namin si Patricia nang huminto ang sasakyan niya  nang palabas kami saPBB Bazaar. Babalik na siya sa abroad sa Dec. 15 pero willing siyang bumalik sa showbiz kung may magandang project. Dalawa na ang anak niya pero ang seksi pa rin niya at hindi nalosyang. Nagpunta sila sa ‘Pinas kasama ang ilang friends para tumulong sa mga biktima ng Yolanda.

Nabalitaan din namin na nandito si Klaudia. Gustong-gusto naming makausap ang dating sexy star dahil may natanggap kaming email noon na inirereklamo siya at pinagbibintangang umano’y nagnakaw. At least, maliwanagan at makuha sana ang kanyang side. Pero napag-alaman namin na maganda naman ang buhay ng sexy actress, may mga naipundar sa Amerika at parang biktima lang siya ng mga tsismis.

Talbog!

Batchmates, kuhang-kuha ang style ng Mocha Girls

DAPAT talagang kabahan ang Mocha Girls dahil isinilang na ang katapat nila. Napanood namin ang Batchmates noong November 29 sa Comikera Comedy Bar sa Calamba, Laguna, aba’y class silang mag-perform. ‘Yung pagiging naughty sa audience, galaw, at liksi sa pagsayaw, kuhang-kuha nila ang style ng Mocha. Mas mahihigitan pa ‘pag nagtagal. Kung boses din ang pag-uusapan, kayang-kaya nila na kumanta ng live. Talagang ginastusan ni Lito De Guzman ang Batchmates at binigyan ng mahusay na choreographer.

At due to insistent public demand, muling magtatanghal ang grupong Batchmates sa December 13 (Friday) at makakasama nila ang rapper na si Bassilyo na nagpasikat ng kantang Lord, Patawad. Sikat na sikat ang kantang ito na paboritong kantahin ng mga bata. Isa ring magaling na fliptop artist itong si Bassilyo.

Hindi lang si Bassilyo ang makakasama ng Batchmates, makikisaya rin ang isa pang sikat na rapper na si Blanktape  na marami ring pinasikat na rap and novelty songs gaya ng Chika Lang Yun, Jejemon, Banana, at marami pang iba pa.

Humahataw na talaga ang Batchmates sa pagpe-perform. Habang tumatagal ay lalong gumagaling ang grupong ito lalo na’t malapit nang ipalabas ang kanilang first album.

Tama ang  may-ari ng Comikera Comedy Bar na si Ma’am Nancy Barretto na ‘di na kailangang lumuwas pa ng Manila ang mga taga-Laguna kung gusto nilang  manood ng special show, mag-sing-along, tumawa  at makarinig ng jokes mula sa magagaling at kilalang stand-up comedian dahil lahat ng sikat na stand-up comedians from Manila ay regular ding nagso-show sa Comikera Comedy Bar sa 8440 National Highway, Lecheria, Calamba, Laguna.

Makikigulo kina Bassilyo, Blanktape, at Batchmates ang mga in-house comedian ng Comikera Comedy Bar na sina Boobsie Wonderland, Jodie Belo, Krissy,Witney Winston, Eva Bay, Allan Ang, at ang nakaaaliw na si Vanessa Kirei.

For tickets, just text/call 09999944579 or 09175398883.

Roldan Castro

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …