Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janice at John, nagka-ayos na!

SO, nag-uusap na pala ngayon ang dating mag-asawang Janice de Belen at John Estrada? Ito ang sinabi ni Janice sa kanilang talk show na Buzz ng Bayan noong Linggo.

“Okay na kami. ‘Yun na lang ‘yun. That’s a good start,” sabi ni Janice.

Hindi na binanggit ni Janice kung sino ang nag-initiate ng first move para muli silang magkausap ni John. Basta ang mahalaga raw ay okey na sila at kung ginawa man nila yun,  (ang muling mag-usap) ay para sa kanilang mga anak.

For the record, hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Janice at John. Kaya naman sa mga intetview noon sa actress/TV host ay lagi siyang nagsasalita ng against kay John.  Na kesyo hindi raw ito nagpapadala ng financial support sa kanilang apat na anak.

Pero ngayon nga after ilang taon ding hindi pag-uusap ay nagkaayos na sila which is ‘yun naman talaga ang maganda dahil may pinagsamahan naman sila, ‘di ba?

Cesar, si Solenn na ang ipinalit kay Sunshine

MUKHANG malabo na ngang magkabalikan pa ang dating mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Bukod  kasi sa ayaw na  talaga ng aktres sa aktor, balita namin ay may bagong babae na sa buhay ang action star. At ito ay si Solenn Heusaff na co-star niya sa serye sa GMA.

Mula raw nang magkasama ang dalawa sa nasabing serye ay na-develop sila sa isa’t isa.

Obvious na raw talaga ang magandang pagtitinginan ngayon ng dalawa dahil hindi sila naghihiwalay sa taping at sweet lagi.

Well, aminin naman kaya ni Cesar ang relasyon nila ni Solenn o idi-deny niya ito?

Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …