Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

James, nagagamit sa publicity ng My Little Bossings?

SIKAT talaga si James Yap. Kahit kasi hindi s’ya kasali sa MMFF,  pinag-uusapan siya.

Paano, hindi raw kasi papayagang makadalo sa premiere showing ng pelikula ng kanyang anak na siBimby, ang My Little Bossings.

Sa totoo lang, hindi magandang gimik ito, kasi pampamilya kuno ang tema ng movie nina Vic Sotto at Kris Aquino, tapos hindi puwedeng  dumalo ang ama nito? Sinong ama ang matutuwa kapag pinigilang panoorin ang anak sa pelikulang ito?

Akala ng marami, tapos na ang gimmik na wala na sa isa’t isa sina Kris at James, bakit may ganito pang drama? At saka, tigilan na rin ‘yung pakulong may gusto si Bimby kay Ryzza Mae Dizon! Diyos por Santo ang babata pa nila. At saka na lang ‘yung pakulong ‘yan, larong bata na lang. Hayaang ma-feel ni Ryzza ang pagiging bata.

Lovi, supporting lang kay Charee sa isang serye?

HINDI totoong apektado si Lovi Poe sa magandang role ni Charee Pineda sa isang serye. Tumatakbo kasi ang istoryo sa buhay ni Charee at parang suporta pa ang drama ni Lovi. Bigay todo sa acting ang Bulakenyang look-alike ni Rosana Roces.

Komento naman ng maka-Lovi, sa ending siya rin ang tagapagmana ng  ng mga Villacorta.

Aga, ipapalit sa panghapong show ni Willie

TOTOO kayang si Aga Muhlach ang papalit sa panghapong TV show ni Willie Revillame sa TV5?

Nag-klik kasi ‘yung TV show ni Aga kaya naisipan daw bigyan ng daily show.

Vir Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …