Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gabby, walang keber sa siyam na beses nilang lampungan ni Cristine

SUPER game si Gabby Concepcion nang gawin nila ni Cristine Reyes ang love scene sa pelikulang When Love is Gone ng Viva Films, ayon kay Direk Andoy Ranay.

“Gabby is very open about it. Noong start pa lang ng shooting naming sinabi ko na agad kay Gabby na may nine love scene siyang gagawin with Cristine. Paki-handa na. Sabi niya, ‘Bigyan mo lang ako ng heads-up Direk para ready naman akong magtanggal ng damit’.”

Ani Direk Andoy nine times nag-love scene sina Gabby at Cristine dahil, ”Requirement ‘yun ng script. Nasa script naman ‘yun, lahat ng love scene based on script. ‘Yung flow ng kuwento at niyong character nila roon nangyayari sa love scene. Nagsimula sa wild, sexy, naging tender hanggang naging passionate. Hanggang naging romantic na ‘yung love scene nila, ganoon.”

Walang arte nga raw si  Gabby nang i-shoot nila ang love scene nila ni  Cristine.”’Yun ang pinaka-gusto ko sa kanya. ‘Yung respeto ko kay Gabby at ‘yung respeto niya sa co-actor niyang si Cristine. Hindi siya nag-take-advantage sa sitwasyon. Very professional siya,  alam niya ang ginagawa niya,” pagmamalaking kuwento pa ni Direk Andoy.

(EDDIE LITTLEFIELD)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …