Monday , December 23 2024

Roxas out, Lacson in

MUKHANG suko na ang Malakanyang at maging ang Liberal Party (LP) ni Pangulong Noynoy Aquino sa pambato sana nilang si DILG Sec. Mar Roxas para sa 2016 election.

Ito ang lumalabas ngayon sa ating pag-aanalisa matapos nombrahan ni PNoy si dating senador Ping Lacson bilang rehabilitation czar sa mga lugar na dinaluyong ng bagyong si Yolanda.

Kung noong una ay sinabi natin malabong italaga si Lacson sa anomang pwesto ng gobyerno dahil sa aspeto ng sapawan sa 2016 ay mukhang nag-iba na ang ihip ng hangin sa Malakanyang matapos ipagkatiwala ang kinabukasan ng Eastern Visayas region sa dating mambabatas mula sa Cavite.

Mabigat na trabaho pero kapag naging matagumpay itong si Lacson sa kanyang pagbabangon sa mga lugar na dinaluyong ni Yolanda ay tiyak na ang kanyang pagbango sa madla at karugtong na nito ang 2016.

Sa maikling salita, nagbago ng diskarte ang grupong PNoy dahil malinaw namang hindi tinatanggap ng madla si Roxas, na kahit ano ang gawin nilang break o pagpapaangat ay talagang nganga pa rin sa publiko.

Napansin na rin siguro ng Palasyo na lalo lamang nababaon ang administrasyon kapag si Roxas ang kanilang pinapoporma sa mga kalamidad ng bansa  kaya’t tinanggap na nila ang kanilang kabiguan sa asawa ni Korina.

Kumbaga, isang tagapagligtas ang kanilang kailangan sa ngayon dahil sunod-sunod ang kanilang sablay sa paningin ng tao at nakadagdag pa rito ang negatibong desisyon ng Korte Suprema sa PDAP o pork barrel na magseselyo sa kanilang kahahantungan matapos ang term ni PNoy.

Tiyak na katakot-takot na kaso ang kanilang kahaharapin matapos ang 2016 election kapag hindi nila kaalyado ang nanalong pangulo at ito ang nakikita nating dahilan kung bakit isinuko na nila si Roxas na bukod sa posibleng kasama sa may kahaharapin asunto at mukhang kombinsido na rin ang asawa na hindi talaga para sa kanya ang pagiging pangulo ng bansa.

Nakikita nating pattern ang ginawa nila kay GMA at diyan sila malinaw na takot dahil ang multong sila ang may gawa ay posibleng sa kanila rin bumalik .

‘Yan lamang ang isa sa nababasa natin sa ngayon sa ginawa ni PNoy pero tiyak tayong may iba pang option ang Malakanyang at iyan ang ating tatalakayin sa mga susunod pa nating kolum.

Alvin Feliciano

About hataw tabloid

Check Also

Vilma Santos Ed de Leon

Kaibigan ni Ate Vi at Hataw columnist Ed de Leon sumakabilang buhay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAKAGUGULAT at nakabibigla ang mga pangyayari noong Wednesday. Sabay-sabay na sumambulat …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *