Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ildefonso nakatakdang maging free agent

DAHIL hindi pa binibigyan ng bagong kontrata ng Petron Blaze SI Danny Ildefonso, nakatakda siyang maging free agent sa ilalim ng bagong patakaran ng PBA.

Ngunit kung si Ildefonso ang tatanungin, nais niyang makalaro uli sa Blaze Boosters kahit isang komperensiya lang bago siya tuluyang lumipat sa ibang koponan o mag-retiro.

”Gusto ko lang naman malaman kung may chance pa ako ma-lineup sa Petron,” wika ni Ildefonso sa panayam ng www.spin.ph. “Kung wala naman na talaga, eh magpapasalamat na lang kami sa kanila, kasi gusto naman namin ng maayos na pagpapaalam.”

Sa ngayon ay naghihintay si Ildefonso ng pagkakataong makipag-usap sa pinuno ng San Miguel Corporation na si Ramon S. Ang tungkol sa kanyang problema.

“Maglalaro naman ako kung saan nila ako ilalagay,” ani Ildefonso na nagsabi ring puwede niyang puntahan ang ibang mga koponan ng SMC tulad ng Barangay Ginebra San Miguel at San Mig Coffee.

Isa pang opsyon para kay Ildefonso ay maglaro sa Meralco dahil matagal niyang nagkasama ang assistant coach ng Bolts na si Jong Uichico na dating humawak sa kanya sa San Miguel Beer.

Inamin ni Ildefonso na may alok din siya mula sa Talk ‘n Text upang makasama niya uli ang dating kakamping si Danny Seigle.

Samantala, isang source ang nagsabing ilalagay ni TNT coach Norman Black si Ali Peek sa reserve list para makapasok si Seigle sa lineup.

Binanggit ng source na may pilay si Peek ngunit hindi siya nagbigay ng iba pang mga detalye.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …