Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ildefonso balak din kunin ng TNT

PAGKATAPOS ni Danny Seigle, si Danny Ildefonso naman ang pakay na kunin ng Talk ‘n Text.

Isang source ang nagsabi na pinag-iisipan ng Tropang Texters na makuha ang serbisyo ni Ildefonso na hindi binigyan ng bagong kontrata ng Petron ngayong PBA season.

At dahil limang Fil-Am ang puwede lang sa isang koponan ng PBA, plano ng TNT na pumasok sa trade kasama ang Meralco para kunin si Ildefonso.

Nagsanib sina Ildefonso at Seigle para bigyan ng anim na titulo ang  San Miguel Beer na dating pangalan ng Petron.

Ngunit dahil sa pagsipot ng mga bagong manlalaro tulad nina Arwind Santos at Junmar Fajardo ay tuluyang binalewala ng Blaze Boosters sina Ildefonso at Seigle.

“I would absolutely love to play with Danny again,” wika ni Seigle sa panayam ng PTV Sports nang nalaman niya ang balita tungkol kay Ildefonso. “I know he (Ildefonso) could still play. And that would be great.”

Naunang pumirma ng kontrata si Seigle sa TNT noong Martes ngunit hindi muna siya pinaglaro ni coach Norman Black kagabi kontra Alaska dahil hindi pa siya sanay sa sistema ni Black.

“These guys (Tropang Texters) are already established. The core is there so I’ll be more of a complement,” ani Seigle. “I just want to do what I can do for the team.”

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …