Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jumbo Plastic pinabagsak ang Wang’s

SUMANDAL ang Jumbo Plastic Linoleum sa matinding pagratsada sa huling yugto upang padapain ang Wang’s Basketball-Athletes in Action, 75-59, kahapon sa PBA D League Aspirants Cup sa Blue Eagle Gym sa Lungsod ng Quezon.

Nalimitahan ng Giants ang Couriers sa anim na puntos sa huling quarter upang makamit ang kanilang ika-limang panalo kontra sa isang talo.

Naunang nakuha ng Jumbo ang 37-32 na kalamangan sa halftime sa tulong ng 11-2 na ratsada sa ikalawang quarter bago humabol ang Wang’s sa 55-53 sa pagtatapos ng ikatlong quarter.

Isang tres ni Mark Romero at isang tira sa ilalim ni Jason Ballesteros ang nagpalayo sa Jumbo, 70-57, 1:27 ang nalalabi sa laro.

Nanguna sa opensa ng Jumbo sina Romero at Jan Colina na gumawa ng tig-14 puntos samantalang 12 puntos naman ang ginawa nina Karl dehesa at tig-11 puntos naman sina Elliot Tan at Jason Ballesteros.

Bumagsak ang Wang’s sa 2-4 katabla ang Boracay Rum sa gitna ng 20 puntos ni Michael Juico.

Tinalo ng Couriers ang Cagayan Valley, 76-74, noong Lunes.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …