Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Seigle ‘di muna lalaro sa TNT

KAHIT pumirma na ng kontrata si Danny Seigle para sa Talk ‘n Text, hindi muna siya lalaro para sa Tropang Texters kontra  Alaska Milk mamaya sa PBA MyDSL Philippine Cup.

Sinabi ni coach Norman Black na kailangan munang masanay si Seigle sa sistema ng bago niyang koponan lalo na’t kahapon lang siya nagsimulang mag-ensayo.

Nakuha ng Texters si Seigle pagkatapos na hindi siya binigyan ng bagong kontrata ng Barako Bull at siya’y naging free agent.

“Danny S is a great pick-up for us,” wika ni Black. “It’s really hard to pass up a player like him.”

Idinagdag ni Black na kailangan niyang maglagay ng isang Fil-Am sa reserve list para maipasok niya si Seigle.

Sa ilalim ng patakaran ng PBA, limang Fil-Am lang bawat koponan ang puwedeng ilagay sa lineup.

Mga ibang Fil-Ams sa TNT sina Jimmy Alapag, Ali Peek, Harvey Carey, Sean Anthony at Kelly Williams.

May pilay pa rin si Rob Reyes ngunit inaasahang lalaro na siya anumang araw mula ngayon.

Inaasahang papalitan ni Seigle si Ranidel de Ocampo na may pilay din sa kanyang paa.

“I’ve been continuously working out. It’s another opportunity to prove to myself that I can still be competitive in this league. I’m excited for the challenge,” ani Seigle na ilang taong naglaro sa San Miguel Beer at naging Rookie of the Year ng PBA noong 1999.

(James Ty III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …