Wednesday , August 13 2025

Filipinos kontra Latinos sa “Pinoy Pride XXIII”

MATAPOS ang tagumpay  ni Manny Pacquiao laban kay Brandon Rios, limang magigiting na boksingero naman ang buong puwersang magtatayo ng bandera ng Pilipinas kontra sa mga Latino sa magaganap na  “Pinoy Pride XXIII: Filipinos Kontra Latinos” ngayong Sabado (Nov 30), 6 PM, sa Araneta Coliseum.

Gamit ang kani-kanilang kamao, buong pusong sasabak ang limang mandirigma sa ring para sa bayan at para sa kani-kanilang dangal at pamilya.

Para sa WBO World Light-Flyweight Champion na si Donnie “Ahas” Nietes, alay niya sa kanyang mga anak ang mapanatili ang kanyang world championship title kontra kay Sammy “Guty” Gutierrez ng Mexico.

Layunin din ni WBO World Minimum Weight Champion Merlito “Tiger” Sebillo na madepensahan ang kanyang titulo at huwag mabahiran ang kanyang undefeated record sa boxing. Bukod pa riyan alay niya rin ang kanyang laban kontra Carlos “Chocorroncito” Buitrago ng Nicaragua sa inang yumao noong nakaraang taon.

Gutom naman para sa tagumpay sina Milan “El Metodico” Melindo na makakatuos si Jose Alfredo “Torito” Rodriguez ng Mexico at si AJ “Bazooka” Banal na makakabangga si Lucian Gonzalez ng Puerto Rico dahil pareho nilang gustong mabawi ang championship belt sa kanilang weight divisions.

Samantala, determinado naman si Jason “El Nino” Pagara na makuha na ang kanyang unang world championship sa kanyang napipintong pakikipagbakbakan kay Vladimir Baez ng Dominican Republic.

Mapapanood ang special telecast ng “Pinoy Pride XXIII: Filipinos Kontra Latinos” sa Linggo (Dec 1), 10:15 AM, sa ABS-CBN at 8 pm naman sa Studio 23.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Tristan Jared Cervero

Tristan Jared Cervero wagi sa paligsahang Xiangqi sa PH

NAGWAGI Si Tristan Jared Cervero sa Group B o kategoryang All Filipino sa 19th Thousand …

Ivan Travis Cu Chess

FM Ivan Travis Cu, nanguna sa Blitz sa 9th Eastern Youth Chess Champs

IPINAMALAS ng sumisikat na Filipino chess star na si FIDE Master (FM) Ivan Travis Cu …

V League

V-League Collegiate Challenge ngayong Sabado na

Ynares Sports Arena, Pasig 10 a.m. – NU vs Arellano (Men) 12 p.m. – UST …

Manila Marathon Rio Dela Cruz Andrew Neri

Manila Marathon, aarangkada sa Linggo

MALUGOD na inihayag ni international marathoner Rio Dela Cruz president at CEO ng Run Rio …

Antonia Lucia Raffaele Zoe Lim Philippine Artistic Swimming Team

Sa Hong Kong Open
Philippine Artistic Swimming Team, nakasungkit ng 3 bronze medals

PATULOY ang pag-igting ng koponan ng artistic swimming ng Filipinas sa pandaigdigang entablado, matapos nilang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *