Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Roach tinadyakan ni Ariza

LALONG umiinit ang magiging paghaharap nina Manny Pacquiao at Brandon Rios sa Linggo sa Macau, China nang nauna nang magkaupakan ang kani-kanilang trainers sa boxing gym ng Venetian Hotel.

Noong Miyerkoles, November 20 ay nagkasalpukan ang dalawang grupo dahil sa di pagkakaunawaan.

Pasadong 11 am ng araw na iyon nang atasan ni Freddie Roach si Gavin McMillan, bagong conditioning coach ni Pacquiao, para alamin kung tapos nang gamitin ng grupo ni Rios ang Gym na nakareserba doon simula 9-11am, pero na-delay ang simula ng ensayo nila dahil sa interview ng ESPN.

Nang dumating si McMillan sa gym ay halos patapos na si Rios sa kanyang workout sa “elliptical machine.”

Sumugod sa gym si Roach at sinabihan si trainer Garcia na lisanin ang venue dahil tapos na ang oras nila.

Sumagot si Garcia, “We got 30 more minutes” na sinagot naman ni  Roach ng, “No you don’t you only got until 11 o’clock.”

“Well we were here because we got some interviews with ESPN, we ain’t going nowhere,” depensa ni Garcia.

Sumagot si Roach, “That’s not my fault. Get the f*** out of here.”

“It ain’t my fault either, I ain’t going nowhere,” sigaw ni Garcia.

Sa palitan ng diskusyon  ng dalawa ay natawag ni Roach na “piece of shit” si Garcia nang pumasok naman sa eksena si Alex Ariza, ang dating conditioning coach ni Pacquiao na lumipat na sa kampo ni Rios.

Sumali sa sigawan si Ariza na pinalalayas si Roach sa gym.  Tuloy ang salitaan ng dalawang kampo hanggang sa tudyuin ni Ariza si Roach na nagtataglay ng Parkinson’s disease.

Nang sumugod si Roach kay Ariza ay doon na nagpakawala ng isang sipa ang huli na ikinaatras ng una.

Lalong uminit ang bangayan ng dalawang grupo at naawat lang nang makialam na ang miron sa paligid para awatin ang nagbabangayan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pinoy para athletes Asian Youth Para Games

Pinoy para athletes, hangad ang medalya sa Asian Youth Para Games

DUBAI, United Arab Emirates — Handa na sina Chester Rabanal at Christian Pepito para sa …

Cayetano SEA Games

Cayetano, todo suporta sa Philippine delegation sa 33rd SEA Games sa Thailand

PINANGUNAHAN ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano ang send-off para sa tatlong pambansang koponan …

Milette Santiago-Bonoan Mike Barredo Goody Custodio

Team Philippines Handa na sa Asian Youth Para Games sa Dubai

Dubai, UAE – Buong tiwala ang Team Philippines na mauulit o malalampasan nila ang kanilang …

POC Abraham Tolentino

Obiena at Iba Pang Atleta, Hindi Dadalo sa Opening Rites

BANGKOK – Hindi dadalo sa opening ceremonies, kabilang ang parada na pangungunahan ng two-time Olympian …

SEAG Baseball Clarance Caasalan

PH batter, winasak ang Malaysia para manatiling perpekto sa tatlong laban

PATHUM THANI, Thailand—Nagpatuloy ang Pilipinas sa kanilang panalo sa kompetisyon ng men’s baseball sa ika-33 …