Sunday , November 24 2024

Premyong P1.2-Million ibinigay sa biktima ng bagyong Yolanda ng isang horse owner

Sa Horse Racing Industry dito sa ating bansa may ilang horse owners na may mabubuting kalooban. Hindi lang pangsarili ang kanilang iniisip.

Isa dito ay si Mr. Hermie Esguerra na may-ari ng kabayo Juggling Act na nagkampeon sa 2013 Ambassador Eduardo M. Cojuangco Cup sa Metro Turf sa Malvar Batangas.

Tinalo ng dating imported champion na si Juggling Act ang  limang kabayo sa karerang kampeonato ng mga imported runners ito sa ating bansa.

Nabalita na ipinamigay ni Mr. Esguerra ang P1.2-million premyo sa mga biktima ng bagyong Yolando sa Visayas sa pamamagitan ng Manila Rotary Club .

Tinalo ni Juggling Act na nirendahan ni jockey Fernando Raquel, Jr ang outstanding favorite na si Crusis.

Kalahating katawan ang naging resulta sa pagkakapanalo ni Juggling Act sa finish line.

Isang huwarang tao si Mr. Esguerra sa ginawa niyang ito na ipinamahagi ang kanyang premyo sa mga nangangailangan ng tulong.

Maraming tao ang natulungan ni Mr. Esguerra lalo na sa may kinalaman sa Horse Racing Industry.

Balitang-balita sa halos lahat ng Off-Track Betting Stations (OTB) ang ginawang ito ni Mr. Esguerra.

MABUHAY PO KAYO MR. HERMIE ESGUERRA!

oOo

May pinadala pong mensahe si Philracom Commissioner/Executive Director Jesus B. Cantos sa pamamagitan ng text.

Ito po ang mensahe ng kanyang text sa akin:

Good morning kaisa at kadamay sa industriya ng karera. Sa darating na Friday, Nov. 22, ala 1 nang hapon hanggang 6 ng gabi, ay may magaganap na pag-donate ng dugo sa pakikipagtulungan sa Phil. Red Cross. Ito ang proyekto na timely na pangangailangan sa mga kapwa natin Pilipino dahil sa hirap ng ginawa ng bagyong Yolanda.

Ang ating pangtawid buhay na project ay gaganapin sa Carmona Cavite San Lazaro race club grand stand na pinakasentro na lugar para sa nakararami.

Pamasko na natin ito sa mga kababayang nangangailangan ng dugo for life preservation. Hintayin po namin kayo.

THANK YOU IN ADVANCE DEAR BROTHERS AND SISTERS.

oOo

Binabati po natin si Boy “NBI” Magbanua ang may-ari ng Promoters OTB na makikita sa may kalye Juan Luna, Paco, Manila.

Ang Promoters OTB ay isa ring restaurant na puwede kayo umorder na gusto ninyong  kainin. Puwede rin po kayong umorder ng “One For The Road” habang kayo ay tumataya sa mga paborito ninyong kabayo.

Dito ay mabilis kayong makakataya dahil masisipag ang mga machine teller.

SAAN PA KAYO? DITO NA KAYO SA PROMOTERS OTB MAGLIBANG!

ni FREDDIE M.

MAÑALAC

About hataw tabloid

Check Also

ASICS Rock n Roll Running Series Manila lalarga na

ASICS Rock ‘n Roll Running Series Manila lalarga na

TINALAKAY ni Princess Galura, President at General Manager ng Sunrise Events Inc., bahagi ng IRONMAN …

MILO Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

MILO® Accelerates Grassroots Sports Efforts, Aims to Engage 3 Million in 2025

Manila, Philippines, 18 November 2024 – MILO® Philippines is set to ramp up its efforts …

Zeus Babanto Combat sports championship

Combat sports championship, nakatakda sa pebrero 2025

NAGSAMA-SAMA ang ang mga kilalang tao sa mundo ng martial arts upang ipagdiwang ang kahanga-hangang …

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

Victoria Sports Club open rapid chess tournament sa Nobyembre 23

QUEZON CITY — Nakatakda na ang lahat para sa pagtulak ng Victoria Sports Club open …

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

4th Senator Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament sa 17 Nobyembre

SUSULONG na ang 4th Hon. Sen. Manny Pacquiao Rapid Chess tatlohan team tournament (2000 average …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *