Sunday , December 22 2024

PDAF unconstitutional… DAP isusunod na!

SALAMAT sa Diyos at magagamit na sa tama (sana) ang kaban ng bayan mula sa pinaghirapan ni Juan.

Biro n’yo, maraming taon din tayong pinagloloko ng karamihan sa mga mambabatas sa pamamagitan ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o “pork barrel.”

Unconstitutional pala o masasabing ilegal ang PDAF. Hindi po ako ang may sabi kung ito ay base sa desisyon ng Korte Suprema.

Kung magkaganoon man, hindi lang pagpigil sa nalalabi pang PDAF ang dapat na hinarang ng Korte kundi dapat siguro na ipabalik sa mga mambabatas ang mga nakuha na nilang PDAF para sa taon 2013.

Magkano rin iyon? Hindi po daan-libo lang ang nawaldas ng mga walanghiyang mambabatas (hindi naman pala lahat) kundi bilyon din ang suma-tutal nito.

Kung hindi man, dapat magsagawa ng malalimang imbestigasyon ang Commission on Audit (COA). I-audit ang lahat ng expenses (napunta raw sa mga project) ng mga mambabatas ang kanilang PDAF.

Ang mapatunayang nagbulsa ng PDAF ay hindi lamang kasuhan kundi ipabalik sa kanya ang mga nakuhang PDAF.

Ngayon napatunayang ilegal ang PDAF na matagal nang naibibigay sa mga mambabatas, malamang at siyento porsiyentong mapapahiya si PNoy sa ipinagpipilitang legal na Disbursement Acceleration Program (DAP) niya.

Sabi ni PNoy nang mabatikos siya hinggil sa DAP, legal daw ito. Siyempre, alangan naman sabihin niyang ilegal ang DAP. Ikaw naman pinagloloko mo kami.

Pero ano pa man, sige legal na kung legal – iyan ay ayon sa iyo mahal na Pangulo pero, hintayin natin ang kinalabasan ng desisyon ng Korte Suprema sa mga petisyon na inihain laban sa DAP.

Kung ang PDAF “pork barrel” na mataga-tagal nang ipinamumudmod sa mga mambabatas ay napatunayang unconstitutional, iyan DAP pa kaya?! Ewan lang natin ha. Sana manindigan ang mga bosyo natin sa Korte Suprema.

Naku NoyP, ‘pag nagkataon, mapapahiya ka. Sana ay walang kapaan.

Abangan na lamang natin – legal ba o illegal ang DAP ni PNoy?

Nanginginig na tuhod ni PNoy.

Samo’t saring komento …

“Dito talagang ipinakikita ng gobyerno kung gaano sila kawalanghiya sa mamamayan nila. Pera sa kaban ng bayan ninanakaw nila sa paraan ng DAP at kung ano-ano pa para maibulsa lang nila. Kaya walang mapala ang mga kababayan natin kapag inabot ng delubyo. Kailangan pang magmakaawa at kalampagin sila ng kababayan at mga dayuhan. Ngayon naman bilyones na tulong mula sa mga dayuhan hindi raw ipamimigay sa mga biktima ng Yolanda. %^&$#@…sobrang kawalanghiyaan na ‘yan. Ganyan na kaya kasama mga hayop kayo! ‘Wag na lang sa biktima kayo mahiya at matakot walang magagawa ang mga ‘yan kung ayaw ninyo. Sa mga dayuhan kayo mahiya at matakot mga hayop kayo. Ano na lang sasabihin nila na ang tulong na pinaghirapan nilang makarating para sa mga biktima e hindi ninyo ipamimigay? Kaban ng bayan kinamkam ninyo pati bilyones na tulong gusto pa ninyo kamkamin? Ganyan kayo kawalanghiya! Masahol pa kayo sa mga patay gutom kung sumakmal PI ninyo!” -Juan Dela Cruz  (CP number withheld)

***

“Ka Almar, ‘wag na sa mga biktima ng Yolanda dalhin yang mga kotong MMDA enforcers na ‘yan …kasi baka mangotong din ‘yan doon ng relief goods at mag-looting. Dapat d’yan sibakin na sa kanilang trabaho. Tignan mo mga asal ng mga ‘yan … pag walang trabaho ay maghahanap ng trabaho…ngayon at may trabaho ay dinudumihan ang sistema ng buong MMDA … nagbibigay sila ng kahihiyan sa MMDA imbes maging altergo…kaya dapat sibakin ang mga walang kwentang empleyado. (0947950 – – – -)

***

Para sa inyong komento, suhestiyon at reklamo, magtext lang sa 09194212599.

Almar Danguilan

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Sa Payatas, QC
P.7-M SHABU NASABAT ‘LADY PUSHER’ TIMBOG

ARESTADO ang 19-anyos babae sa isinagawang buybust operation ng mga awtoridad sa Brgy. Payatas A, …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *