Friday , November 22 2024

PNoy tutok sa rescue, relief ops (Batikos isinantabi)

111613 pnoy relief
PERSONAL na nagtungo sa Malacañang upang iabot kay Pangulong Benigno Aquino III ang P50 milyon tseke bilang tulong sa mga biktima ng super typhoon Yolanda, si Chairman Emeritus Richard Lee ng Hyundai Asian Resources Inc., kahapon. (JACK BURGOS)

ISINANTABI na lamang ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang mga tinatanggap na batikos kaugnay ng mabagal na pagkilos ng gobyerno sa pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Communications Sec. Sonny Coloma, hindi apektado ang Pangulong Aquino sa mga kaliwa’t kanang batikos na tinatanggap lalo na mula sa international press at patuloy lamang ang pagtutok sa rescue and relief operations sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda lalo sa Tacloban, Leyte.

Sinabi ni Coloma, inatasan ng Pangulong Aquino ang cabinet officials na pagtugmain ang kanilang pagkilos para mapabilis ang paghahatid ng tulong.

Aminado ang opisyal na nagkaroon ng problema sa sistema sa nakalipas na anim na araw at naaayos na rin ito ngayon.

”Pinatututukan na po ng Pangulo sa lahat ng miyembro ng gabinete ang pagkilos ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan upang mapahusay at mapabilis pa ang paghahatid ng tulong sa pinakamaraming bilang ng mga pamilya at komunidad sa mga apektadong lalawigan,” pahayag ni Coloma.

(ROSE NOVENARIO)

INT’L MILITARY SUPPORT SA RELIEF OPS BUHOS

LALO pang nadadagdagan ang military aid na natatanggap ng Filipinas, isang linggo matapos ang pananalasa ng bagyong Yolanda sa Visayas.

Inianunsyo ni British secretary of state for international development Justine Greening, ipadadala sa Filipinas ang aircraft carrier nito na HMS Illustrious.

Ayon kay Greening, ang pinaigting nilang military support sa relief at recovery operation sa mga biktima ng bagyong Yolanda ay mahalaga para sa mga krusyal na linggong darating.

Una nang ipinadala ng United Kingdom ang destroyer na HMS Daring.

Kamakalawa ay dumating na sa Leyte ang aircraft carrier ng Amerika na USS George Washington kasama ang buong strike group nito.

Ang Japan ay magpapadala rin ng mga barko at eroplano.

Ang iba pang bansa na nagpadala ng military support na kinabibilangan ng mga tropa at eroplano ay ang Singapore, Taiwan, New Zealand, Australia at Singapore.

P7-M RELIEF GOODS BIGAY NG TAGUIG CITY

AABOT sa P7 milyon halaga ng relief goods, toiletries, gamot, generator sets at water filtration units ang ipadadala ng pamahalaang lungsod ng Taguig sa limang araw na “Bayanihan Ro-Ro mission.”

Ayon kay Mayor Lani Cayetano, nakatutok ang operasyon nila sa mga bayan ng Guiuan, Mercedes, Quinapondan, Salcedo at Gen. McArthur, Eastern Samar, na kanilang inampon matapos ang pagpupulong ng Metro Manila Council (MMC).

“We are all aware of how big the actual needs of the people now suffering in Visayas. We are counting on the multiplier effect of the spirit of bayanihan in all of us,” anang alkalde.

Sinabi ng alkalde, nagpadala rin sila ng labinglimang (15) empleyado ng City Hall upang makatulong sa pagdadala ng relief goods sa nasabing mga bayan sa Eastern Samar.

“This is the Taguigeños’ way of sympathizing with our brothers and sisters affected by the calamity. We hope it would go a long way in helping them cope with everything they have experienced,” ani Mayor Cayetano.

(JAJA GARCIA)

About hataw tabloid

Check Also

Suspek timbog sa Pampanga
LALAKING NAGKAKAPE UTAS SA BOGA NG KAKOSA

PATAY agad ang isang 55-anyos lalaki nang pagbabarilin sa bahagi ng Tanigue St., Brgy. 14, …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

PAGASA Amihan

Amihan na — PAGASA

IHANDA na ang inyong mga damit na panlamig gaya ng mga jacket, sweater, shawls, at …

Knife Blood

Sa Tondo, Maynila  
CHINESE NAT’L PATAY NANG PAGSASAKSAKIN SA LOOB NG SASAKYAN

NAKAPAGMANEHO pa para iligtas ang sarili ngunit binawian din ng buhay ang isang 46-anyos Chinese …

UAS UNLEASH

UAS Invests in UNLEASH, a Groundbreaking Pet Lifestyle App to Provide Filipinos’ Pet Companions Peace of Mind Through Technology and IoT

UAS (Universal Access and Systems Solutions), a leading technology solutions provider, today announced its strategic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *