Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Walang sistema ang gobyerno; GMA at ABS epal

HANGGANG ngayon ay nagkakagulo pa rin ang ating mga kababayan dahil sa kawalang sistema ng pamahalaang nasyonal sa pagbibigay ng kalinga, ayuda at tulong sa mga biktima ng bagyong si Yolanda na kumitil ng libo-libong buhay.

Hindi biro ang naririnig nating reklamo at hinaing ng ating mga kababayang biktima ng naturang kalamidad maging ito man ay sa radio, telebisyon at sa mga social networking sites na talaga namang kalunos-lunos dahil malinaw sa kanilang sinasabi na talagang walang nakararating na tulong mula sa pamahalaan.

Halos isang linggo na ang nakalipas mula nang dumaluyong si Yolanda sa bansa pero nanatili pa rin ‘nganga’ ang ating mga kababayan sa Kabisayaan at Palawan kaya’t dito marami na ang napipikon sa kawalang sistema ng gobyeno.

Para sa kanila, maayos lamang ang gobyernong Aquino sa media sa pamamagitan ng pagbabalita pero sa aktwal na pagtulong ay talaga naman salat ito.

Sa kasalukuyan ay nagkalat pa rin ang mga patay sa Leyte, Samar, Tacloban, Coron sa Palawan, sa Panay Island  na talaga naman namamaho at naagnas na dahil sa kabagalan ng tulong at dahil na rin sa kawalan ng sistema.

Hindi pwedeng bara-bara sa panahon ng kalamidad kaya nga meron tayong tanggapan ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) para magplano at maging sistematiko ang pagkilos sa panahon ng kalamidad pero lumalabas na naging isang sangay na rin ito ng pamahalaan na nagbibigay lamang ng balita at impormasyon sa tao.

Sa maikling salita, plano at diskarte ang kailangang pairalin sa kasalukuyang panahon at dito dapat ipatawag muli ni PNoy ang kanyang mga alagad dahil posibleng lumalala pa ang sitwasyon .

Hindi rin maiaalis na mag-isip ang tao na mayroong politika sa kalamidad dahil malinaw sa ulat na magkaiba rin daw ang action center o base ng Tacloban city government at national government sa area na lubhang nakalulungkot dahil dito nagkakalasog-lasog ang pagkilos na dahilan kung bakit nagkakaroon ng duplikasyon sa serbisyo.

Unos ang nangyari sa ating bansa kaya’t dapat dito natin ipakita ang pagkakaisa natin at hindi pagkakawatak-watak, sistema ang solusyon sa problema at iyan dapat ang tutukan ng pamahalaan.

***

Mahilig mambatikos ang ABS at GMA sa mga epal na politiko pero pansinin mo ang kanilang mga plastic bag ng relief goods parehas mayroong tatak o logo ng kanilang estasyon o ng kanilang foundation.

Malinaw na kaepalan rin ito dahil alam naman ng lahat na hindi sa kanila galing ang relief goods na kanilang ipinamimigay kung hindi sa taumbayan na may puso para sa mga biktima ni Yolanda.

Dapat siguro ay pantay-pantay ang lahat, tutal sinasabi nilang epal ang mga politiko na may pangalan sa plastic bag pero kapag sila ang gumagawa ay okay lang.

Mga obserbasyong na dapat na rin ituwid dahil bukod sa hindi malinaw ang kanilang ulat kung saan napunta ang mga ayudang donasyon sa kanila ay talaga naman nakapanlulumo dahil nagiging paligsahan ito ng dalawang pangunahing TV station sa bansa.

Alvin Feliciano

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …