ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio
MASAYA ang ginanap na Christmas party ng Water Plus Productions ng producer na si Mayora Marynette Gamboa sa Vikings Luxury Buffet sa Eastwood Mall, Quezon City, recently.
Bukod sa bundat na bundat ang lahat sa rami nang pagpipiliang pagkain, walang umuwing luhaan, ‘ika nga, dahil maraming pa-raffle at giveaways. And take note, ang major prizes sa raffle ay ilang malalaking TV sets at cash.
Pinangunahan nina Ms. Marynette at Direk Efren Reyes ang event at present dito sina John Arcenas, Direk Jose Balagtas, Direk Armando Reyes, Kate Yalung, ang misis ni April Boy na si Madelyn Regino, Mitoy Yonting, Irene Celebre, Tanya Gomez, Rey ‘PJ’ Avellana, Lynx Seren, Dindo Arroyo, at ang mga taga-Water Plus Productions staff and crew, plus ang PR nila na si katotong Direk Obette Serrano.
Siyempre pa, dumalo rin dito ang Bodies Next Gen na sina Bodi Amarah, Bodi Wendy, Bodi Jade, Bodi Irish, Bodi Dior, at Bodi Ayka.
Bago matapos ang party, nakapanayam namin ng ilang kasamang press si Ms. Marynette at nalaman namin ang mga plano ng masipag na produ sa papasok na year 2026.
Nalaman namin dito na maraming pasabog si Mayora sa pagpasok ng bagong taon.
Panimulang kuwento niya, “Sa Bodies Next Gen, by 2026, we start with Gimikera, It’s a series, mag-uumpisa tayo roon sa Gimikera, then we go to another… may ginagawa ngayong kanta si Boy Christopher. Kasi ang title naman ng second series, bale Gimikera Series-1, then titignan natin kung ano ang pulso ng tao, then magkakaroon tayo ng Series-2, Series-3…
“Iba-iba ang mga direktor natin sa Gimikera, per episode tayo, iba-iba, Nandyan naman ang mga in-house direktor natin.
“At saka ang Water Plus, may sarili nang platform na ilo-launch next year, siguro mga mid of January. So, mayroon na tayong sarili, puwede na tayong mag-set-up kung ano man ang pelikula na gusto nating ipalabas doon. It’s open for everybody, so, we also accept movies from different producers.”
Dagdag pa ni Ms. Marynette, “Ang ginagawa natin kasi ngayon, iyong balak natin this January ay iyong short films na vertical, pero series iyon. Marami iyon, so, there will be a lot of episodes, a lot of series.
“Magkakaroon din tayo ng mga… kung alam nyo po iyong The Point Guys dati? Then we will have a Search for The Guys: Next Gen. Mayroon, mga lalaki naman this time, iyong magsi-sing and dance and kayang mag-act.
“Actually, mayroon nang mga nag-apply, but we will have an official search sa January. Kailangam, they can sing and dance and at the same time, they can act. Kasi isasama natin sila sa pelikula.”
Ayon pa kay Mayora, sa third week ng January ang simula ng shooting ng Gimikera, tinatapos na raw ngayon ang script ng naturang pelikula. At marami raw kaabang-abang dito na gaganap ang Bodies Next Gen na mga estudyante na mahilig sa gimik at magkakaroon sila ng iba’t ibang challenges sa buhay. Plus may mga sikat na artista raw ang lalabas dito as guest.
Esplika pa ni Ms. Marynette, “Sa May na ang concert nila sa Araneta, The Legends with The Bodies. Malalaman nyo ito very soon, we will have an official presscon niyan. Kasi, hindi lang ako ang nag-iisang producer niyan, tatlo kami, it’s a big one.
“Iyong Reunion ng Water Plus talents, sa first quarter this year iyon, sa Araneta rin iyon. Iyong Reunion, it will be solely produce by Water Plus, iyong sa The Legends and Bodies, tatlo kaming producers doon.”
Nabanggit din nina mayora at direk Obette na ipalalabas na sa Japan next year ang pelikulang ‘Idol: The April Boy Regino Story’ sa bandang April or May daw ito.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com