RATED R
ni Rommel Gonzales
BEST Actress. Best Ensemble. Best Picture. Congratulations! Mahal ka ng Diyos, Jossette!
Private message namin iyan via Facebook messenger kay Sylvia Sanchez na Jossette Campo Atayde ang tunay na pangalan.
Tulad ng alam na natin, sa katatapos lamang na 51st Metro Manila Film Festival ay nagwagi bilang Best Actress si Krystel Go para sa pelikulang I’m Perfect na produced ng Nathan Studios nina Sylvia at anak niyang si Ria Atayde-Marudo.
Nanalo rin ang I’m Perfect bilang Jury Prize: Best Ensemble at Best Picture, 2nd Best Picture ang UnMarry (Best Director ang direktor nitong si Jeffrey Jeturian) nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na mister ni Ria.
Sagot ni Jossette o Sylvia sa message namin, “Bago matapos ang 2025, binigyan Niya kami ng tatlong blessings! Ang tindi ng mga blessing na ito!”
May kalakip na praying emojis ang mensahe sa amin ni Sylvia bilang labis-labis na pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagpapalang tinanggap nila sa gitna ng krisis political na pinagdaraanan nila.
Nawa ay hudyat ang mga blessing na ito sa mas maganda, maayos, at mapayapang 2026 para sa pamilyang Atayde na mahal na mahal ko.
Samantala, masaya kami sa panalo ng mga artista at pelikulang naimbitahan kami sa mediacon tulad ng Bar Boys: After School na ginawaran ng Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence; Best Supporting Actor para sa UnMarry ang mahal naming Kapuso actor na si Tom Rodriguez; ang talent ni Rams David ng Artist Circle na si Ms. Odette Khan bilang Best Supporting Actress (for Bar Boys: After School);ang cute bagets actor na si Zack Sibug ng UnMarry bilang Breakthrough Performance Award; UnMarry bilang Best Screenplay (Chris Martinez at Therese Cayaba); si Benjo Ferrer (Best Editing for UnMarry, na nanalo rin ng Best Float) at Shake, Rattke & Roll: Evil Origins bilang Best Visual Effects, Santelmo Inc.).
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com