I-FLEX
ni Jun Nardo
KAPWA unforgettable ang date na December 27, 2025 sa ex-couple na sina Carla Abellana at Tom Rodriguez.
Para kay Carla, kasal niya ang araw na ito sa non-showbiz partner niyang si Dr. Reginald Santos.
Ayon sa ulat, first boyfriend ni Carla si Dr. Santos.
Para naman kay Tom, sa araw na ito siya nakatanggap ng best supporting actor sa 51st Metro Manila Film Festival para sa pelikulang UnMarry. Dedicated sa asawa at anak ang natanggap sa award.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com