RATED R
ni Rommel Gonzales
NAGKAKILALA sina Jennifer Lee at Konsehal Mark Aries Luancing sa Lipa, Batangas noong 2021. Si Mark ay isang lingkod bayan sa Lipa. Roon nagbunga ang kanilang pagmamahal at nabiyayaan ng lalaking anak, si Jediel.
Ikinasal sila sa Madonna del Divino Amore Parish noong Disyembre 6, 2025. Ang wedding gown ni Jennifer ay idinisenyo ni Francis Libiran, habang ang suits and dresses ng entourage ay gawa ni Paul Semira. Glam team naman si Dennis Santos.
Kabilang sa mga Bridesmaid ang mga celebrity friends tulad ng konsehal ng Angeles, Pampangga at PCL National Vice President na si Jaycee Parker Aguas, Autoflare Corp. CEO Rachel Villanueva, co, Net25 host Daiana Menesez, at Miss Philippines Earth 2019 Janelle Tee.
Masaya ang vibe ng wedding dahil sa energy at saya ng couple, pati mga bisita, pamilya, at entourage. Ang kanilang dream wedding ay nabuo dahil sa production team kabilang ang wedding venue stylist na EyeCandy na nagdisenyo sa Versailles Palace, Visuals na gawa ng Always in Motion, at lights and sounds na Blackbox.
Highlight din sa gitna ng venue ang malaking wedding cake na gawa ni Ross Paris.
Samantala, matapos ang kanyang karera sa showbiz, ipinagpatuloy ni Jennifer ang pag-aaral sa Enderun Colleges, na kinalaunan nakuha ang degree sa BS in International Hospitality Management, major in Hotel Administration and Culinary Arts.
Bilang isang chef, nagkaroon siya ng cooking show kasama si Chef Luigi Muhlach. Sinubukan din niya ang food delivery at catering business.
Dahil sa passion niya sa musika, nag-aral siya mag-DJ at naging multi-awarded DJ sa Pilipinas na naging Aliw Awards Hall of Famer para sa Best DJ for Electronic Music.
Sa kasalukuyan, nakatuon si Jennifer sa kanyang karera bilang DJ. May pangarap din siyang maglabas ng original song na isinulat at ini-record. Pero hindi niya isinasara ang pinto sa acting, lalo sa action genre na dati siya ay napasama sa mga action project na Ang Probinsyano sa ABS-CBN, Steal at Babaylan sa Viva One, at Maria on Netflix.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com