Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED R
ni Rommel Gonzales

MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast member ng I’m Perfect na mga batang may Down Syndrome na kinabibilangan ng mga bida sa pelikula na sina Earl Amaba at Krystel Go.

Dinamayan ng mga ito si Sylvia at ang buong pamilyang Atayde sa mga panahong lugmok sila.

Lahad ni Sylvia, “Sobra! Kasi mula noong October hanggang ngayon sa buhay ko, masaya, malungkot, sila ‘yung nandiyan.

“Sila ‘yung nagsilbing…lalo na noong emotionally downtime namin, sila ‘yung every day nandiyan. ‘Mamang, how are you? How’s Papang?’ ‘Yung mga ganoon.”

Si Papang ay ang mister ni Sylvia na si Papa Art Atayde.

“‘Yung mga simple… ‘How’s the family?’ Isipin niyo bang gagawin nila ‘yun?

“Pero andoon sila. Kahit ang mga magulang, alam mo ‘yun? So, sabi ko nga, kaya pala dumating sila sa buhay ko. May rason.

Sabi ko, ‘Naiintindihan ba nila ang mga nangyayari? Bakit alam nila?’

“Alam mo, sabi ng magulang, nagbabasa ng socmed ‘yan. 

“Pero hindi nila kami dyinudge. Tinanggap kami, buong-buo, ng mga batang ito.”

Kaya para kay Sylvia, laban o bawi ang pelikula, kumita man o hindi ay tanggap niya, ang mahalaga ay maibahagi niya sa buong mundo ang kuwento ng mga taong may Down Syndrome.

“Honestly, hindi ko alam kung tatangkilikin ito. Hindi ko alam kung kikita ito.

“Pero matamis kong tatanggapin at buong-buo kong tatanggapin…kung hindi man kumita ito, buong-buo kong tatanggapin, dahil ang kapalit ng pera, sampung anghel at mga magulang nila.

“Hindi ako kasinlakas nila pagdating sa ganoon dahil iyak ako nang iyak. 

“Parang, ‘Lord, kaya ko ba? Parang hindi ko kaya.’

“‘Yun ang idinasal ko na, Lord, huwag Mo sana akong bigyan, sana.’

“Pero binigyan Niya ako ng pamangkin (na isa ring special child), binigyan Niya ako ng pelikulang ‘I’m Perfect,’ binigyan Niya ako ng maraming-maraming anghel, na hindi man Niya ako binigyan ng dinala ko sa sinapupunan ko.

“Pero binigyan Niya ako ng isang buo. ‘O Sylvia, sa iyo ito. Kaya mo ‘yan.’

“Grabe Siya bumalanse. Ibang klase Siya bumalanse. 

“Lahat, may rason talaga,” emosyonal na pagbabahagi ni Sylvia.

Nasa pelikula rin sina Lorna Tolentino, Tonton Gutierrez, Joey Marquez, Janice de Belen, Joel Saracho, Myke Salomon, at Viveika Ravanes.

Tampok din sa pelikula sina Angela Batallones, Carl Garcia, Javi Sarmiento, Jonathan Tilos, Bea Mendoza, Gio Dicen, Richelle Uy, at Royce Rivera.

Sa direksiyon ni Sigrid Andrea P. Bernardo,  ang I’m Perfect ay official entry sa Metro Manila Film Festival 2025 ngayong December 25.

Ang Nathan Studios ng pamilya Atayde nina Sylvia at Ria Marudo ang producer ng I’m Perfect.

Gaganapin ang premiere night nito sa December 21, sa SM North EDSA sa Quezon City.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …