RATED R
ni Rommel Gonzales
NAHINGAN ng reaksiyon si Angelica Panganiban na kung noon ay hindi siya bet ng direktor na si Jeffrey Jeturian (dahil tinulugan niya ito sa set) ay paboritong aktres na siya nito ngayon.
“Grabe ‘yung favorite!
“Hindi, kasi noon, ginagawa ko ‘yung ‘Iisa Pa Lamang’ [2008], and then I remember, galing ako ng Batangas, parang Bulacan ‘yung taping namin ng ‘MMK’ [Maalaala Mo Kaya].
“Late na late na akong dumating dahil pagka-pack up ko ng Batangas, hindi na ako umuwi, dumiretso ako ng Bulacan.
“Siyempre ‘yung tulog ko, sa biyahe lang, ‘di ba?
“So buong araw, buong episode ng ‘MMK’ akong umiiyak.
“And 11:00 a.m.. na ng Thursday, hindi pa rin kami pack-up.
“Tapos bina-block ako ni Direk, talagang nakakatulog na ako! Wala na, tumawid na ‘yung kaluluwa ko sa kabilang dimension.
“Iyan ang sinasabi ko na may mga nagagawa kang hindi ka proud.
“And noon akala mo, ‘yung paglalagare ay maipakikita mo kung gaano ka kasipag.
“Pero ‘yun pala, nakakabastos ka na ng mga katrabaho mo. So, at least ngayon, may Eddie Garcia Law na tayo.
“Napoprotektahan na ang mga ganoong chances para hindi na tayo makabastos ng mga katrabaho natin dahil sa puyat,” saad pa ni Angelica.
Happy si Angelica na nakatrabaho ngayon si direk Jeffrey sa UnMarry na entry sa MMFF 2025.
“Alam naman niya ‘yun kaya nga noong unang text pa lang niya, parang umikot na ‘yung sikmura ko.
“Na parang, ‘Oh my God, mapapagawa ako ng pelikula!’
“Na kahit hindi pa nape-present sa akin. Dahil ganoon ko siya ka-love.”
Mula sa Quantum Films at Cineko Producrtions, kasama ni Angelica sa UnMarry sina Zanjoe Marudo, Eugene Domingo, Tom Rodriguez, Solenn Heussaff, Nico Antonio, at ang introducing dito na si Zac Sibug.
Official entry ito sa 51st Metro Manila Film Festival sa December 25.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com