Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Angeline Quinto Ang Happy Homes ni Diane Hilario

Angeline tinutukan kapatid na naligaw ng landas

RATED R
ni Rommel Gonzales

MABAIT at matulungin sa kapwa ang papel ni Angeline Quinto bilang si Diane Hilario sa pelikulang Ang Happy Homes ni Diane Hilario na produced niya at ng KreativDen na idinirehe ni Marlon Rivera.

Isa sa kinupkop niya ay ang may tinatakasan sa buhay na si Joshua played by Carlo San Juan.

“‘Yung sa scene po namin ni Carlo, ni Joshua, ‘di ba? 

“Parang hindi naman nagdalawang-isip si Diane na patuluyin sa kanyang bahay si Joshua.

“Kasi iyon din ang isa sa scenes na talagang medyo tumatak sa akin.

“Kasi mayroon po kasi akong kapatid na medyo naligaw ng landas.”

May kapatid na lalaki  si Angeline na nalulong sa droga.

Ipina-rehab niya ito at at patuloy na tinutulungan, dahil naniniwala si Angeline na magbabago pa ito.

“Kasi, parang hindi ko na siya kilala. Parang hindi na siya ‘yung kapatid ko. Kaya roon na ako natatakot.

“Noong may nakita akong video, parang sabi ko sa sarili ko, ‘Ako na ang gagawa ng paraan para maging maayos siya.’

“And iyon po. Isa sa unang steps na ginawa ko na ipasok siya sa rehab. May kaibigan naman po ako na may-ari ng rehabilitation, so hindi ako nahirapan. 

“And gusto na rin po niya.”

Malaki na raw ang pagbabago sa kanyang kapatid na nasa rehabilitation center pa rin pero nakakalabas-labas na at nagkikita sila.

Aminado si Angeline na mabigat ang kanyang pinagdaanan habang tinutulungan ang  kapatid at ilang beses na raw siyang muntik sumuko.

“Hindi ko mabilang. Tao lang din naman ako, napapagod din, alam niyo ‘yun?

“Tao lang naman din ako. Dumarating din ‘yung puntong napapagod ako.

“Talagang sinasabi ko sa sarili ko, wala rin namang ibang magmamahal sa kapatid ko na katulad ng ginawa ko. Kasi, wala na po kaming magulang.

“So, ako na lang po ang talagang mag-intindi sa kanya, and awa ng Diyos, unti-unti na pong naging maayos ngayon.

“Natutuwa naman din po ako sa recovery kasi nagkakasama na ulit po kami. After five days, bumabalik po siya ulit sa rehab,” pagbabahagi pa ni Angeline.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Nijel de Mesa Regine Angeles Lance Raymundo

Direk Nijel may kakaibang horror film

JAMES Macasero ang tunay na pangalan na nakilala sa larangan ng pagpapatawa bilang si Moymoy Palaboy. Gagawa …

A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Mamay kinikilala galing sa public service at filmmaking

HARD TALKni Pilar Mateo MAKULAY ang buhay ng isang Marcos Mamay. Sa politika. Sa pelikula.   …

V Mapa Batch 86 Reunion Christmas party

V Mapa Batch ‘86 Reunion/Christmas party matagumpay!

MATABILni John Fontanilla DINAGSA ang ginanap na reunion/Christmas party ng V Mapa Batch ‘86  sa auditorium ng …

Aljur Abrenica Alas Axl Romeo Alkina, Aljur Jr Abraham

Aljur nag-bonding kasama ang mga anak kina AHJ at Kylie 

MATABILni John Fontanilla PINUSUAN ng netizens ang recent post na video ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram na kasamang …

Love Kryzl

Love Kryzl pinakabatang kompositor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAGUGULAT. Sinong mag-aakalang ang isang siyam na taong gulang  ay makapagsusulat ng …