I-FLEX
ni Jun Nardo
INIHAHANDA na ni Lakam Chui, sister ni Kim Chui, ang pagsagot sa mga akusayon na may kinalaman sa qualified theft na isinampa sa kanya ng nakababatang kapatid.
Ayon aming source, kinakausap na ni Lakam ang team of lawyers niya para sagutin ang bintang ng kapatid.
Eh dahil nakasampa na ang reklamo, isasalin ang sagot ni Lakam sa isang counter affidavit at kung kailangan pa ng preliminary hearing, magkikita ang magkapatid kung kailangan ang presence nila.
Depende sa imbestigasyon ng fiscal kung magkakaroon ng probable cause upang umakyat ang kaso sa korte.
Ayon pa sa aming source, walang gagawing kontra demanda si Kam kay Kim.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com