Wednesday , December 10 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rozz Daniels David Daniels

Bagong single ni Rozz Daniels, handog sa kanyang mister na si David Daniels

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SUPER-HAPPY at proud na proud ang recording artist na si Rozz Daniels sa kanyang concert sa Viva Cafe last Nov. 25 na pinamagatang “A Night with Rozz Daniels.”

Pagbabahagi ng singer, “Ang masasabi ko lang ay happy ako at ang asawa ko sa first concert ko at na- experience ko kung gaano pala kahirap ang magbihis, mag-ayos, at mag-make up. Buti na lang may make-up artist ako sa likod (ng stage).

“Everytime na lumalabas ako na iba ang suot ko ay naririnig ko ang hiyaw ng asawa ko at sa tuwing unang bigkas ng nota na lumalabas sa bibig ko ay ang asawa ko pa rin ang mas malakas ang hiyaw,” wika pa ni Ms. Rozz patungkol sa mister na si David Daniels na isang retired US Air Force veteran.

Pagpapatuloy niya: “Feeling ko, kahit hindi ko napuno ang venue at doon halos ang mga tao sa taas (nakapuwesto) at wala sa mga gilid, siguro dahil malakas din ang sound system kaya walang gustong umupo sa gilid, parang nag-concert ako para sa asawa ko lang!

“Siguro kaya ganoon ang feeling ko, dahil gusto kong ipakita sa kanya ang galing ko sa pagkanta at galing ko sa pag-perform sa stage!”

Dagdag ng tinaguriang The Pop Rock Diva, “Overall, I am thrilled and satisfied. To me, this is one of my accomplishments and dreams.

“Contented ako dahil at my age ay nakaya kong kantahin ang 20 songs at one dance number.”

Gustong pasalamatan ni Ms. Rozz ang mga nakasama niya at tumulong sa kanyang concert. Una na ang direktor niyang si katotong Benny Andaya. Kasama rin sina Francis Encisa, Melody Torregoza, Monica Torregoza, Jay Ar Ortega, Geronimo de Guzman, Jenelyn Tomiyama, Sheryl Alcantara Yusa, at Doc Mon del Rosario, na mga nagsipag-perform sa nasabing concert.

Grateful din siya sa co-hosts na sina Mamita at Jovan, pati na ang dancers niyang sina Jiyeong Nepomuceno, Reynan Cadag, David Loterte, at JP Tahudan.

Incidentally, ang new single ni Ms. Rozz na pinamagatang “My One Love On Christmas Day” ay out na sa market, na-release ito last October 10, 2025. 

Available na ito sa mga streaming platforms and stores worldwide, including Spotify, iTunes, Apple Music, iHeart Radio, Amazon, at iba pa.

Ipinahayag ni Ms. Rozz na handog niya sa kanyang mahal na asawa ang bago niyang single.

“And the new Christmas song of mine, My One Love On Christmas Day, ay handog ko sa husband ko,” masayang sambit pa niya.

Nabanggit din ni Ms. Rozz ang sample na dapat abangan sa kanya sa pagpasok ng taong 2026.

Aniya, “Abangan nila ang pag release ko ng revival song ng ‘Bulong Ng Damdamin’. Plus this January 2026 ay dadayo ako sa Pampanga dahil they invited me personally para maging isang judge or hurado sa amateur singing contest na gaganapin sa Fiesta Festival Sa Pampanga.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

A Journey To Greatness, The Marcos Mamay Story

Mamay kinikilala galing sa public service at filmmaking

HARD TALKni Pilar Mateo MAKULAY ang buhay ng isang Marcos Mamay. Sa politika. Sa pelikula.   …

V Mapa Batch 86 Reunion Christmas party

V Mapa Batch ‘86 Reunion/Christmas party matagumpay!

MATABILni John Fontanilla DINAGSA ang ginanap na reunion/Christmas party ng V Mapa Batch ‘86  sa auditorium ng …

Aljur Abrenica Alas Axl Romeo Alkina, Aljur Jr Abraham

Aljur nag-bonding kasama ang mga anak kina AHJ at Kylie 

MATABILni John Fontanilla PINUSUAN ng netizens ang recent post na video ni Aljur Abrenica sa kanyang Instagram na kasamang …

Love Kryzl

Love Kryzl pinakabatang kompositor

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez NAKAGUGULAT. Sinong mag-aakalang ang isang siyam na taong gulang  ay makapagsusulat ng …

Angelina Cruz Robbie Jaworski

Robbie Jaworski at Angelina Cruz pinakabagong loveteam na kakikiligan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez BAHAGI ng inaabangang series, ang The Alibi ang rising stars na sina Angelina Cruz at Robbie …