Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Heart Evangelista thalassemia patients

Heart  pinangunahan art therapy session  para sa thalassemia patients

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez

IBINAHAGI kamakailan ng style icon, artist, at negosyante na si Heart Evangelista ang talento sa pagguhit sa isang workshop para sa mga batang may cancer at thalassemia.

Sa isang event na heArt Gap Gives Backng GMA Network katuwang ang Little Ark Foundation, pinangunahan ni Heart ang isang live painting session na nagbigay-daan sa mga bata na ipakita ang kanilang pagkamalikhain.

Ang Little Ark Foundation ay naglalayong magbigay ng isang holistic na suporta sa mga bata na may mga kritikal na sakit, tulad ng cancer at thalassemia, at sa kanilang mga pamilya.

Layunin din ng Little Ark Foundation na tugunan ang pangangailangang medikal, emosyonal, at espirituwal ng mga batang pasyente sa pamamagitan ng isang komunidad ng pagmamahal, pananampalataya, at pag-asa.

Sa pamamagitan ng pagpapataas ng kamalayan at pag-uugnay ng mga pamilya sa mga mapagkukunan at tagapag-alaga, tinitiyak ng organisasyon na walang bata o pamilya ang haharap sa  mapaghamong paglalakbay ng mag-isa.

At habang nagaganap ang painting session, sinamantala rin ng mga bata ang pagkakataong pasalamatan si Heart, na matagal nang tagasuporta at tagapagtaguyod ng mga pasyente ng thalassemia.

My journey with thalassemia patients started when I was 21, and they have held a special place in my life ever since,” sabi ni Heart sa isang social media post.

Natutukan din muli ni Heart ang kanyang pagiging artist kasabay ng pagpapakita ng mga bagong obra sa kanyang social media accounts. Sa isa sa mga pinakahuling post niya sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Heart ang isang painting na nagpapakita ng kanyang signature style at binigyan ito ng caption na: “Feelings on display.”

Agad namang umani ng papuri ang gesture na ito ni Heart mula sa kanyang followers.

Naniwala ang karamihan na masasalamin sa mga bagong painting ni Heart ang maraming mukha ng kahinaan at ang maraming mga emosyon na nararamdaman ngunit hindi masabi.

Power to express what words cannot. The diary of the soul…,” sabi ni @jodiecamilleg sa komento nya sa Instagram post ni Heart.

Matagal nang ipinamalas ni Heart ang kanyang talento sa pagpinta at passion sa sining.

Sa katunayan, ang unang solo art exhibit ni Heart ay ginanap sa Ayala Museum, Makati City noong 2014. Ito iyong I am Love Marie: The Art and Works of Love Marie Ongoauco.

Ito ay nasundan noong 2015 sa Chan Hampe Galleries sa Singapore.

Bukod sa paintings on canvas, kabilang sa art pieces ni Heart ang pinintahang mga designer handbags, damit, at iba pang items para sa mga local at international client.

In fact, nagkaroon na rin siya ng exhibit na pinamagatang Carry Your HeART sa Bonifacio Global City na ang ilan sa kanyang mga hand-painted luxury handbag ay ipinakita sa publiko sa unang pagkakataon.

Minsan niyang nabanggit sa isang interview na ang pagpinta ay “very therapeutic for me.” 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …